Chapter 62: Protectors
(Following scenes are still flashbacks)
Isang araw umiiyak ang batang Rochelle habang naglalakad pauwi. "Rosh bakit ka umiiyak?" tanong ni Christian na sumilip mula sa gate nila sabay dumila sa hawak niyang drumstick. Nagpunas ng luha si Rochelle, "Choobs penge" sabi niya kaya sinara ng batang mataba yung gate nila.
Balik simangot si Rochelle, paglapit sa gate nila narinig niya bumukas gate nina Christian kaya napalingon siya. Lumapit ang batang mataba saka inabutan ng bagong drumstick ang dalaga. "Madami ka ice cream?" tanong ni Rochelle. "Konti, nagpabili ako kay mama tapos sabi ko bilhan ka din" sagot ni Christian.
Pumasok sila sa garahe nina Rochelle saka naupo sa isang bangko kung saan kumain sila ng ice cream. "Rosh bakit ka umiyak? Nahulog ka ulit?" tanong ni Christian. "Hindi, si kwan kasi sabi niya gamitin walis hair ko" sabi ni Rochelle.
"Rosh sino?" tanong ni Christian. "Si Mac Mac pangit" sumbong ng batang babae. Tahimik si Christian na nagdidila sa ice cream niya kaya tinignan siya ni Rochelle. "Punta tayo don laro din tayo pero wag natin sila bati" sabi ni Rochelle. "Mamaya na kasi kumakain pa tayo e" sabi ni Christian.
Pagkatapos nila kumain nagtungo sila sa kanto kung saan may mga batang naglalaro ng tumbang preso. "Sali kami" sigaw ni Christian. "Choobs di natin sila bati nga e" reklamo ni Rochelle sa pabulong na boses. "O sasali si tabachoy at walis" sigaw ni Mac Mac kaya nanlisik ang mga mata ni Rochelle pero hinaplos ni Christian yung balikat niya.
Ilang minuto lumipas hawak ni Christian tsinelas niya saka sinisiring yung lata. "Wala yan!" sigaw ni Mac Mac, "Choobs itumba mo" sigaw ni Rochelle saka nagsisigaw. Todo asinta si Christian, nanlisik mga mata niya, kumasa siya saka pinalipad yung kanyang tsinelas.
Nabilib yung ibang bata sa lakas ng bato at sobrang bilis nitong lumipad pero hindi ito pababa ngunit papunta sa mukha ni Mac Mac. Napatigil si Rochelle katulad ng ibang mga bata, si Mac Mac sumigaw ng malakas at labis na namumula yung kanyang mukha sa tindi ng tama ng tsinelas.
Napatingin agad si Rochelle kay Christian na nakangisi habang nilalapitan si Mac Mac. Imbes na kumustahin ang kalaro niya pinulot niya yung tsinelas saka pinuntahan si Rochelle at inakbayan ito. Nung makalayo na sila tiignan ni Rochelle si Christian, "Papatawag ulit si tito" sabi ng batang babae.
"Alam ko, hayaan mo na Rosh. Tara sa bahay kasi may ice drop pa binili si mama" sabi ng batang mataba kaya tumakbo sila.
Pagsapit ng gabi nagulat si Carol pagkat nakaposas si Christian sa may sofa. "Ano nanaman ginawa niya?" tanong ni Carol. "Naglalaro daw sila ng tumbang preso tapos natamaan daw niya yung mukha ni Mac Mac ng tsinelas" sabi ni Conrad. "Accidents can happen, its just a game. Pinatawag ka dahil lang don?" tanong ni Carol.
"Pinagtaggol ko siya, sabi ko accidents happen. Sumang ayon din si Rina sa akin at ibang parents" sabi ni Conrad. "O yun naman pala, why are you punishing him?" tanong ni Carol. "Asintado ang anak natin at eto ang ginamit niyang tsinelas" sabi ni Conrad kaya nagulat si Carol nang titigan yung sobrang kapal na tsinelas na gawa sa matigas na rubber.
"Christian!" sigaw ni Carol kaya lumingon ang matabang bata na parang anghel. "I thought you didn't like this slippers? Diba sabi mo ayaw mo kasi mataas at matigas. Bakit mo ginamit kanina?" tanong ni Carol.
"Wala kasi yung bakya ni ate e" sagot ni Christian kaya tumalikod si Conrad para magpigil ng tawa. Kinurot siya ni Carol sa braso saka dinala sa malayo. "Bakit ka tumatawa? Its not funny" sabi ni Carol. "At least honest siya" landi ni Conrad kaya inuga ni Carol ulo niya saka tinignan yung anak nilang mala anghel na nakaposas sa sofa. "What did Mac Mac do to Rochelle?" tanong niya. "Tinukso lang, pag sinaktan si Rochelle malamang basag na mukha non" sabi ni Conrad.
BINABASA MO ANG
STALKER
RomanceIsang dalaga muling nakapiling ang matalik niyang kaibigang binata... Taglay ng dalaga ang isang stalker... Hindi lahat ng inaakala mo ay tama... Hindi lahat ng kaya mo intindihin ay katotohanan... NOT YOUR TYPICAL CLICHE STORY