Chapter 28: Missing You

3.8K 95 7
                                    

Chapter 28: Missing You

"Christian" narinig ng binata, napatigil siya sa paglakad, nag inarte at mala slow motion na lumingon kaya sa malayo nagtakip ng bibig ang isang magandang dalaga saka nagbungisngis. Humarap ang binata saka kumaway saka naglakad palapit sa dalaga.

"Yes?" tanong niya. "Have not seen you lately, what have you been up to?" tanong ni Francesca. "Really? Oh my goodness, nawawala na relevance ko sa mundo. Ikaw hindi mo na ako nakikita? Sa laki kong ito hindi na ako nakikita?" landi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Seriously, I have not seen you for a while" sabi ni Francesca. "Ah yeah, well kasi I go home early to help a friend" sabi ng binata. "Rochelle right?" tanong ng dalaga. "Oh wow, how did you know?" tanong ni Christian. "I keep seeing your photos together on Facebook. She tags you" sabi ng dalaga.

"Aha are you stalking me?" landi ni Christian. "Silly, we are friends on Facebook" sabi ni Francesca. "Ay oo nga, sana naman nag oo ka para kunwari mafeel ko naman may stalker ako" sabi ng binata. "Hahaha so she is your bestfriend right?" tanong ni Francesca.

"Yes, since we were little. Speaking of stalkers, she has one that is why I have to fetch her in her school then we go home together" sabi ng binata. "Oh my that's totally creepy. Do you know who the stalker is?" tanong ni Francesca.

"Well not yet, he only sends email, oh and he does leave things on their mailbox" sabi ni Christian. "Hala, that is really creepy. Maybe you should get the cops involved already" sabi ng dalaga. "Yeah, my dad is a cop. Naks cop, pulis ang tatay ko" sabi ng binata.

"Ay oo nga pala, so are you going home now?" tanong ni Francesca. "I don't know, she skipped her class today because it's the time of month for her" sabi ng binata. "Ouch, I hate those days. Just had mine last week" sabi ng dalaga.

"Are you going home? Can I accompany you somewhere? Did I say that right?" tanong ng binata saka napakamot kaya ngumiti ang dalaga. "If you want to tag along, I am just going to the mall and meet my mom there" sabi ng dalaga.

"You need company?" tanong ni Christian. "Sure tara" sabi ng dalaga.

Bandang alas sais pagdating ni Christian sa may gate nina Rochelle, "Bakit ngayon ka lang?" tanong ng dalaga. "Eto na pinabibili mo" sabi ng binata saka inabot yung isang supot ng pagkain. "You didn't answer my question" sabi ng dalaga.

"Sinamahan ko si Francesca sa mall" sabi ng binata. "Really? So lumabas kayo?" tanong ng dalaga. "Not really, sinamahan lang e. Pero amazingly siya una pumansin sa akin sa school. Nakipagkita siya sa mom niya sa mall" sabi ni Christian.

"E bakit wala ka man lang excitement sa pagkwento? You should be happy" sabi ni Rochelle. "Sus para yun lang? Sinamahan ko lang sa mall. Pano naman ako magiging happy don?" tanong ng binata.

"Nakasama mo siya duh" sabi ni Rochelle. "Yup, pero it means nothing. Saka na ako maging happy pag natuloy date namin" sabi ng binata. "Be happy for the little things, if I know tuwang tuwa ka naman e" landi ng dalaga.

"Mahirap na mag expect. Fast learner ako Rosh no. It was what it was. Sinamahan ko lang sa mall, if nag profess siya ng love for me then baka lumilipad na ako ngayon" sabi ni Christian. "Hahahaha mafeeling, love agad?" tanong ng dalaga. "Malay mo at eto pala! She knows you" sabi ng binata. "Huh? She knows me? How?" tanong ng dalaga kaya nagkwento agad si Christian.

"Facebook Choobs, to naman" sabi ng dalaga. "Yeah pero nagulat lang ako. Kasi nga nakakaparanoid na yang stalker. Kaya lahat nalang nasa isip ko stalker. Pero think about it, baka siya ang stalker mo" sabi ng binata. "At bakit naman?" tanong ni Rochelle.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon