Chapter 23: Serenade

3.8K 95 11
                                    

Chapter 23: Serenade

Sabado ng umaga unti unti naalimpungatan si Rochelle, "Rochelle..Rochelle" dinig niya magandang boses ng nanay niya at mahinang tunog ng saxophone. Namulat ang dalaga, "Happy birthday my baby girl" sabi ni Rina. Bumangon konti si Rochelle, yumakap siya sa ina niya saka siya nahalikan sa labi at pisngi.

"Can we come in now?" tanong ni Rico. "Yes she is awake" sabi ni Rina. Sabay pumasok si Frank at Rico kaya naupo na yung dalaga. Nayakap yung dalaga ng mahigpit, "I love you all" sabi niya. "Rico don't you dare ruin the day of your ate, don't sing" sabi ni Frank pabiro kaya nagtawanan sila.

"Ano ba yon? Ang aga aga naman nagpatugtog ni tito Conrad" sabi ni Rochelle. "Anak, bangon ka dali. You should see this" sabi ni Rina at nauna na sina Frank at Rico sa may bintana. "Ano yon? What is it?" tanong ni Rochelle.

"Sige na bangon ka, lika lika dali" sabi ni Rina. "Ay naku, did Choobs prepare banners? Ano ginawa niya? Tell me? Nakakahiya ba?" tanong ng dalaga. Binuksan ni Frank at Rico yung mga kurtina, sumilip ang dalaga sa labas pero wala naman siya makita na banners.

"Wala naman" sabi niya. Binuksan ni Rina yung bintana, lumakas yung tunog ng saxophone, "Look straight, ayon o" sabi ni Rico saka nagturo. Napatingin si Rochelle sa bahay nina Christian, sa kwarto sa second floor nakita niya matabang kaibigan niya may hawak na saxophone. "Hahahahaha style mo Choobs!" sigaw ng dalaga.

Napatigil yung dalaga, "Siya ba?" tanong niya. "Siya ate" sabi ni Rico. "Weh, whooo Choobs style mo hahaha. Loko loko ka talaga" sigaw ng dalaga saka tumawa ng malakas. Tumigil yung tugtog, nalito si Rochelle pagkat sakto tumigil ito nung nilayo ni Christian yung saxophone saglit.

"Happy birthday!" sigaw ng binata. Tulala si Rochelle, gusto niya sumagot pero sumenyas ang binata na mag antay. Sinubo ng binata yung mouth piece, biglang tumugtog ang medyo Jazzy na happy birthday song kaya si Rochelle napatingin sa ama niya.

"Siya ba?" tanong niya. "Its him" sagot ni Frank. Super ngiti ang dalaga na naluluha, parang gusto niyang pumalakpak na hindi, gusto niyang tumalon sa tuwa pero labis siyang nabighani sa husay ng kaibigan niya sa pagtugtog ng saxophone.

Nung matapos yung tugtog, "Happy birthday Rosh! Mamaya magcoconcert ako diyan!" sigaw ng binata. "Marunong ka talaga?" sigaw ng dalaga. Hindi sumagot ang binata, agad siya tumugtog kaya ang dalaga muling napangiti.

"Come on freshen up and lets have breakfast" sabi ni Rina. "I wanna stay here pa ma" sabi ni Rochelle. "No its okay, he told us to open all windows. Maririnig mo parin sa baba. Gusto ka daw niya tugtugan buong araw" sabi ni Rina.

"Oh my God..he said that?" tanong ni Rochelle. "Yes, naatat nga magstart. Tanong ng tanong kung gising ka na e. Sige na freshen up" sabi ni Rina. "Nakakahiya sa kapitbahay" sabi ni Rochelle. "Tsss...at sino naman makakapigil kay Choobs pag may gusto siyang gawin?" sagot ni Frank saka inakbayan si Rico at sabay sila lumabas ng kwarto.

After breakfast nagmadaling naligo si Rochelle. Pagkabihis niya naatat siyang bumaba pero nandon na si Chritsian dala ang saxophone niya. "Choobs!" sigaw ng dalaga. "Happy birthday Rosh" bati ng binata saka binaba yung saxophone at niyakap yung dalaga.

Nagulat si Rochelle, napayakap din siya sa binata at labis siyang nanigas nang halikan pa siya ng binata sa pisngi. Parang estatwa si Rochelle, kinuha ni Christian saxophone niya saka pinakita sa dalaga.

"Yung secret stuff namin ni Wes, eto yon. Kasi nasira to e. E uncle niya marunong mag ayos, pinarush ko talaga siya after I knew you loved hearing the saxophone" sabi ng binata.

"So ikaw talaga yung noon?" tanong ng dalaga. "Yeah, this belonged to my lolo, siya talaga yung marunong. Siya yung nagturo sa akin. Di ko na sinabi sa inyo noon, akala niyo nagpapatugtog si papa pero sa totoo ako yon"

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon