Chapter 7: Tandem

4.6K 109 24
                                    

Chapter 7: Tandem

"Ayaw ko nahihiya ako sa mama mo" sabi ni Christian. "Lika na, I already told her" sabi ni Rochelle. "Ows? Style mo, kahapon hindi ka kumibo. Para ako tuloy jealous lover na nagsusunog ng love letter" sabi ng binata.

"Hahahaha promise I already told her. Well she asked naman kasi bakit mo daw sinunog. So sinabi ko yung totoo" sabi ng dalaga. "Na may stalker ka?" tanong ng binata. "Hindi, na wala ako panahon sa ganon kaya pinasunog ko sa iyo" sabi ng dalaga. "Totoo ba yan?" tanong ng binata. "Swear" sabi ni Rochelle.

"Okay tara na, pero ano sabi ng papa mo sa gate?" tanong ng binata. "Ayun para siyang bata kahapon, he kept playing with it, bukas sara siya ng bukas sara" sabi ng dalaga. "Happy siya?" tanong ni Christian. "Very, pano naman after how many years naayos din gate namin" sabi ng dalaga.

"Aray, sorry na. Pero grabe talagang pinanghawakan niya na ako mag aayos. That was a kids promise" sabi ni Christian. "Sus sa totoo tamad yon, ilang beses binalak ipaayos pero never natuloy tuloy hanggang sa nasanay na kami ganon yung gate namin" sabi ng dalaga.

Pagdating nila sa bahay ng dalaga, "O Christian, wearing blue again" sabi ni Rina. "Napansin narin ni mama o, dati ma diba laging black suot niya" sabi ni Rochelle. "Well blue is better, mas bagay niya" sagot ng matanda.

"Tita, dati black, naging blue, step by step tita yan. Inuunti unti ko kayo. Next ligh blue, tapos sa huli ahahaaaay baby blue na" bigkas ni Christian saka natili kaya halakhakan yung mag ina. "Choobs kadiri ka hindi mo bagay" hiyaw ni Rochelle.

"Chaka, inggit ka lang baka matalbugan kita. Pero tatalbugan talaga kita kasi I am all bouncy. Naiimagine mo na ba ako nagsusuot ng baby blue? Sabay transition to baby pink...bongga" hirit ni Christian kaya tuloy ang tawanan yung mag ina.

"Pasok kayo, paki tikman nga yung ginawa kong lasagna" sabi ni Rina. "Ay naku tita, naka diet ako" sabi ng binata. "I know, titikman mo lang. Kasi eto yung balak ko ihanda sa birthday ni Frank. Paborito niya ito pero never ko talaga napeperfect yung lasa na gusto niya" sabi ni Rina.

"Naku tita mataba lang ako, hindi lahat ng mataba expert sa food. Madami sa amin napurga lang sa iisang putahe" banat ni Christian kaya natawa ng husto si Rochelle saka napalo ang binata sa pwet.

"Balita ni Rochelle kasi favorite mo din dun sa Rose' Kitchen" sabi ni Rina. "Ay favorite ni tito yung lasagna doon?" tanong ni Christian. "Yeah, as in favorite niya yon kaya paki tikman nga kung malapit lapit na yung lasa" sabi ni Rochelle.

Tumikim agad ang binata, "Tita masarap ha pero honestly, ayon sa memorya ng aking mga taba" intro ng binata kaya halakhakan agad yung mag ina. "As I was saying, according to the fading memory of my fats, iba yung keso. Kasi yung sa Rose Kitchen parang may kakaiba silang keso e"

"Kung gusto niyo tita punta ako don tapos itanong ko" sabi ng binata. "Ay naku iho for sure they will not tell you" sabi ni Rina. "Tita sa likod ako didiretso, sa basurahan" sabi ni Christian. "Wag na iho, we have no choice but to go eat there and celebrate" sabi ni Rina.

"Pano pa yung isang favorite niya? Wala naman don, double celebration?" tanong ni Rochelle. "Tita steady ka lang, pupunta ako sa Rose' Kitchen, malapit lang naman e" sabi ng binata. "Wag na iho, I will just try my best nalang" sabi ni Rina. "No tita, you wait here" sabi ni Christian. "Choobs ang layo kaya non" sabi ni Rochelle.

"Malapit lang yon pag naka motor" sabi ng binata. "What? May motor ka?" tanong ni Rochelle. "Wala pero si tita meron, remember what I told you diba? Malapit na eleksyon, ipapahiram niya sa akin yon" sabi ni Christian. "Marunong ka ba? Delikado iho, wag nalang" sabi ni Rina.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon