Chapter 17: Not Ordinary

4K 112 38
                                    

Chapter 17: Not Ordinary

"Sige na kasi please" bulong ng dalaga. "Tsk, he is your dad. Ikaw na" sagot ng binata. "What is it?" tanong ni Frank na nakaupo sa sofa. "Ah daddy..ah diba tumupad naman ako sa usapan. E kasi..ah nagyayaya friends ko na lumabas" sabi ni Rochelle.

"Gabi na" sagot ni Frank. "Yes daddy, bale visit lang sa music bar sana daw. Sasamahan naman ako ni Choobs daddy" lambing ng dalaga. "Okay, evelen sharp" sabi ni Frank. "Pero daddy, ah kung pwede sana mahiram yung car" sabi ni Rochelle kaya napalingon na yung matanda.

"Aanhin mo yung kotse?" pabirong tanong ng matanda. "Para di na kami magcommute daddy. Si Choobs magdrive daddy" lambing ng dalaga. "Si Choobs?" tanong ni Frank saka tinignan yung matabang binata. "Marunong na po ako tito" bulong ng binata.

"Yan din sinabi mo last time" sabi ni Frank. "Tito may lisensya na po ako at pinagdrive narin po ako ni papa" sabi ng binata kaya tumayo ang matanda at biglang umalis. "Commute nalang tayo Choobs" sabi ni Rochelle. "Yeah, sabi ko naman kasi sa iyo e" sagot ng binata.

"Hold on" narinig nila boses ni Frank na pabalik at hawak niya yung susi ng kotse. "Daddy hindi na, magcocommute nalang po kami" sabi ni Rochelle. "Hold on, Choobs" sabi ng matanda saka initsa yung susi. Sinalo ito ng binata kaya ang dalaga napangiti bigla.

Sa garahe, pumasok na sina Rochelle at Christian sa SUV. "At sino magbubukas ng gate? Ako ba?" tanong ni Frank na nasa labas kaya kamot ulo si Christian na lumabas para buksan yung gate. Balik sa loob ng kotse ang binata, naka baba bintana niya at tutok na tutok si Frank sa kanya.

Inandar palang ni Christian yung makina, nagtitili na si Rochelle. Inatras ng binata yung kotse, namatay yung makina kaya inuga ni Frank ulo niya. "Ikaw kasi e, will you calm down. Nakakatense na nga titig tito tapos ang gulo gulo mo pa" sabi ni Christian kaya nagsimangot si Rochelle at nagbehave bigla.

Maayos na nalabas ng binata yung kotse sa gate, tinungo ni Frank ulo niya saka lumapit sa kotse. "Eleven, sharp" sabi niya. "Opo tito" sagot ni Christian. "Bye daddy" pacute ni Rochelle. "Sige po" sabi ng binata saka inabante na yung kotse.

"Oh my God! Marunong ka na talaga" sigaw ng dalaga sa tuwa pero agad tinabi ng binata yung kotse. "O bakit?" tanong ni Rochelle. "Nahihiya ako kanina mag adjust, tignan mo naman o dikit na dikit na tiyan ko sa steering wheel" sabi ni Christian kaya natawa ang dalaga.

"Ayan, mas comfy" sabi ng binata. "Yeeee, marunong na talaga siya" landi ng dalaga. "Sabi ko naman kasi sa iyo marunong na ako. Last time aminin ko pasikat ko lang yon pero now I can really say marunong ako" sabi ng binata. "Nakakatuwa lang, kasi all this time si daddy lang nakasanayan kong driver, pero Choobs hahaha marunong ka na" sabi ng dalaga.

"O sino tinatawagan mo?" tanong ni Christian. "Si Zenia, sabihin ko sunduin natin siya. Tapos sunduin narin natin si Wes" sabi ni Rochelle. "Wow ha, porke naka kotse sunduin na natin lahat? Isipin mo din yung gas no. Si Zenia pwede kasi malapit lang, yeah si Wes pwede din kasi on the way pero yung iba wag naman na, ang layo nila no" sabi ng binata.

"Why? Gusto ko din malaman nila you know how to drive" sabi ng dalaga. "Rosh, common sense din. Mahal ang gasoline, si Zenia pwede, si Wes pwede, that's it, the others are too far" sabi ni Christian. "Fine, I just wanted them to know you know how to drive...nakakatuwa lang kasi" sabi ni Rochelle.

"I know but sapat na si Wes, madaldal naman yon e" sabi ng binata. "Sabagay, pero yiheeee marunong ka na. Parang gusto ko din matuto" sabi ng dalaga. "Ay ayaw ko yang naiisip mo" sabi ng binata. "Hahahaha basta ako bahala" sabi ng dalaga.

Ilang minuto lumipas habang papunta sa bar. "Naks Choobs ha" sabi ni Zenia. "Grabe kayo, porke marunong mag drive ganyan kayo" sabi ng binata. "Bagay na bagay mo ang ganitong car" sabi ni Wes. "Kina Rochelle ito ano" sabi ni Christian.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon