Chapter 37: Amazing

3.7K 93 3
                                    

Chapter 37: Amazing

Nakayuko ulo ni Christian habang nakaupo siya sa sofa. "What is wrong son?" tanong ni Conrad. "Sana nahuli na siya daddy, hindi ko lang kasi siya nahabol. I was too slow" bulong ng binata kaya naupo ang matanda saka pinaghahaplos likuran ng ulo ng kanyang anak.

"Son you did good" sabi ng matanda. "Pero daddy dapat nahuli ko siya e" sabi ni Christian. "Anak, alisto ka nga and I am so proud of you. Napansin mo agad siya and just like what your lolo taught you, tinawagan mo agad atensyon niya, if he was not guilty then he should stopped and asked why" sabi ni Conrad.

"Pero daddy pwede niya depensa na baka natakot lang sa akin kasi malaki ako" sabi ng binata. "True but if he was not guilty then he could have simply asked why diba? You called his attention twice, may karapatan kang maghinala nga dahil nakita mo siya kumukuha ng mga litrato"

"Naka blotter naman na yung stalker so whatever you did to confront him was justified and I will back you up" sabi ni Conrad. "I know daddy but sana nahuli ko siya. Ang taba ko kasi e" sabi ng binata. "Anak, listen to me, you were amazing. Nakita ko naman ano nangyari sa CCTV e"

"You didn't let up, at eto anak tandaan mo, ang mga ganyan na tao nagkakaroon sila ng parang demonic powers pag nagigipit" sabi ng matanda kaya natawa ng malakas yung binata. "Totoo yan anak, kapag wala kang tinatago hindi ka naman makikipaglaban ng ganon e"

"If you knew wala kang kasalanan why would you even fight back? Makikiusap ka naman e. Alam mo ang mga kriminal takot makulong yan e, sige anak imagine that gumagawa ka ng krimen tapos alam mo malapit ka nang mahuli. You will start imagining what if nahuli ako, then what happens?"

"Diba pinasubok na sa iyo ng lolo pano makulong sa selda? Remember when he wanted you to experience what criminals would be facing if they get caught?" lambing ng matanda. "Opo daddy, nakakaiyak kasi wala na, tapos na, hanggang doon ka nalang sa selda"

"Ang init, sa sahig ka hihiga, tapos hindi mo makakain yung gusto mo, swerte mo pa kung may pagkain" sabi ng binata. "Takot ang kriminal diyan kaya pag gipit nanlalaban talaga sila anak. No one wants to lose their freedom, that is why criminals fight back"

"Yung nakaharap mo ganon din. He was afraid of being caught that is why he had additional evil strength" banat ni Conrad kaya nagtawanan sila. "E nag kick in din adrenaline ko daddy" sabi ni Christian. "Yes anak, pero isipin mo sino ang nasa panganib noon? Dalawa lang naman pwede mangyari sa kanya, mapisa o makulong, ayaw niya ng mga yon kaya his will to live kicked in" sabi ng matanda.

"Hahahaha mapisa, daddy naman e, pero parang ang weakling ko, parang di tumalab yung mga suntok ko" sabi ni Christian. "Hay naku, isipin mo yung pinagsasabi ko sa iyo anak. I have been dealing with criminals, its my job so I should know. If your lolo was still with us naku sure ako super proud siya sa iyo" sabi ni Conrad.

"Hindi rin, pag buhay si lolo dadalhin niya ako sa likod ng bahay sa probinsya tapos sasanayin sa boxing. Sasabihin niya kung manununtok ka din lang siguraduhin mong tutumba na kalaban mo at aayaw agad sa unang suntok at wag kang magpapatama"

"Kahit hindi ka makasuntok basta wag ka din magpapatama" sabi ng binata kaya natawa si Conrad at tinuka sa gilid ng noo ang anak niya. May naamoy si Christian kaya agad siya napalingon, "Oy Rosh nandyan ka na pala" sabi niya. "Kararating ko lang, pinapasok ako ni ate" pacute ng dalaga.

"So lets go then?" tanong ni Conrad na tumayo saka inabot yung susi sa anak niya. "Oh come on daddy, don't joke me" sabi ng binata palandi. "Tinatamad ako magmaneho, go get your saxophone tapos alis na tayo" sabi ng matanda na nauna sa labas.

"Grabe ka naman Rosh, bakit ka naman nagpaganda masyado?" tanong ni Christian. "E syempre party ni tito e. How about tita? Where is she?" tanong ng dalaga. "Susunduin natin kasi nakipagkita siya sa mga batch mates niya umuwi from the States, you know kape kape and tsika tsika" sabi ng binata.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon