Chapter 51: Touch Move

3.7K 85 12
                                    

Chapter 51: Touch Move

"O anak bakit ka nagbihis?" tanong ni Carol. "E kasi ma nakasabit yung red ribbon sa window ni Rosh so that means kailangan naka red din ako today" sagot ni Christian. "Oh I see, so where are you two going today?" tanong ng matanda.

"I don't know yet, sabi niya malapit na pasukan at gusto niya gumala" sabi ng binata. "Here son, take this, treat her out to lunch" sabi ni Carol kaya nagulat yung binata. "Wag yung common, eto pa idagdag mo. Doon kayo sa restaurant na hindi niyo pa nakainan" sabi ni Conrad kaya napakamot ang binata saka natatawa na.

"Bakit ang generous niyo bigla?" tanong ni Christian. "Why? Pasukan na soon so if you are going out then make a good memory together before classes resume. You two will be very busy soon" sabi ni Carol. "Hindi pa ba kayo nagsasawa sa kapehan na yan o yang pinagkakainan niyo lagi? Try something new for a change" sabi ni Conrad.

"E daddy kung ganon e baka..." sabi ng binata. "Sure, go ahead take the car" sabi ng matanda kaya gulat na gulat yung binata. "Daddy seryoso ka?" tanong ni Christian. "Bago magbago isip ko, take the keys" sabi ni Conrad kaya paspas na kinuha ng binata yung susi ng kotse.

"Puntahan mo na bago magsisigaw pa" sabi ni Conrad kaya natawa si Christian. "Ma, pa, thank you" sabi ng binata. "You two have fun" sabi ni Carol kaya paspas na lumabas ang binata.

Samantala sa kabilang bahay inaayos ni Rochelle yung glasses niya. "I really don't need to wear my glasses kasi kasama ko naman si Choobs" sabi niya. "Gusto mo ba masira mga mata mo? Wear your glasses" sabi ni Rina. "Okay ma, pero di ko alam saan kami pupunta kaya lang I want to go around kasi magiging busy na kami when classes resume" sabi ng dalaga.

"Basta wag kayo late uuwi" sabi ni Carol. "Ma, grabe ka uuwi din lang kami agad. Libot libot lang kami konti siguro" sabi ni Rochelle. "I know but I am just saying don't come home late" sabi ng matanda. "Of course ma, Rico gusto mo sumama?" tanong ng dalaga kaya ang bunso napalingon.

Pinalakihan ni Rochelle mga mata niya kaya natawa nalang ang binata. "Hindi na ate, isosoli ko na itong game console at baka makilaro ako kay da...tito" landi ni Rico kaya lumapit si Rochelle, tumawa siya ng malakas saka pinagpapalo ng unan ang kapatid niya.

"Rochelle! Stop hitting your brother" sabi ni Carol. "E kasi ma nang aasar e" sabi ng dalaga. "Wala ako ginagawa" sabi ni Rico kaya piningot ng dalaga ang tenga niya. "Rochelle! Stop it" sabi ni Carol kaya bumitaw ang dalaga saka tinignan ang tumatawang kapatid niya.

Narinig nila yung buzzy kaya lumabas ang dalaga agad. "Alis na ako" sigaw niya saka paglabas ng gate nagulat siya pagkat nakalabas din yung kotse nina Christian. "Pinahiram sa iyo?" tanong ni Rochelle. "Amazingly yes" sagot ng binata. "Wow, hala saan tayo pupunta?" tanong ng dalaga.

"Tara, bahala na kung saan" sabi ni Christian saka sinundo ang dalaga saka hinatid sa passenger side. Napangiti si Rochelle nang alalayan siya ng binata pumasok. Nung nakapasok na yung binata pareho silang nagbungisngis. "O start na" sabi ni Rochelle.

"Saan tayo pupunta?" tanong ng binata kaya nagtawanan sila. "Kahit saan sabi mo" sagot ng dalaga. "Alam mo mas madali magdrive if alam mo pupuntahan mo, pag ganito na kahit saan parang nakakalito" sagot ng binata.

"Just drive" sabi ni Rochelle. "Sige, pero para enjoy e wag tayo sa main streets, iwasan natin ang traffic" sabi ng binata. "Sige kahit ano basta...basta go lang" sabi ng dalaga. "Okay tara" sabi ng binata.

Habang nasa daan biglang kumuha ng litrato si Rochelle. "Upload ko ito" sabi ng dalaga. "Anong photo, nagselfie ka?" tanong ng binata. "Selfie natin" sabi ng dalaga. "Ha? Bakit di mo sinabi e di sana tumingin ako" sabi ng binata. "No tama lang ito para makita nila you are driving. Di ko lalagyan ng caption basta itatag kita. Ano nanaman kaya iisipin nila?" tanong ng dalaga.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon