Chapter 52: Faroosh

3.4K 81 3
                                    

           

           

Chapter 52: Faroosh

Binuksan ni Conrad pintuan ng kwarto ni Christian, nagulat siya nang makita ang binata nakaluhod sa sahig at ulo nito nakadikit din. "Anak if you are planning to convert you do it properly. Get a mat and then face the west" sabi ng matanda.

"No daddy, its not what you think" sagot ng binata. "May sakit ka?  Masakit ulo mo? Tiyan?" tanong ni Conrad. "No daddy, nahihirapan lang ako mag isip" sabi ng binata. "Kalokohan ba yan?" tanong ng matanda. "No daddy, serious problem ata. No wala ako problema...pero parang meron" sagot ni Christian.

Tumayo ang binata saka tinignan ama niya, "Bakit daddy? May iuutos ka?" lambing niya. "Ginamit mo yung kotse diba? Madumi siya" sabi ni Conrad. "Hahaha oh yes daddy nasa schedule ko yan kasama yung waxing. Sige po bababa na ako" sabi ng binata.

"Anak may problema ka ba? Come sit down" sabi ni Conrad. "Daddy wala, its just a phase" sabi ng binata. Lumapit ang matanda saka dinikit kamao niya sa tiyan ng kanyang anak. "May mga paru paro ba dito?" tanong ni Conrad kaya si Christian natawa at biglang nahiya.

"This is much better compared to the last time" sabi ni Conrad kaya napangiti si Christian. "Seeing you like this is better compared to see you crying" sabi ni Conrad. "Hindi naman ako umiyak noon, napuling lang ako daddy" bulong ng binata.

"Huh, sana lang totoo yan at kung totoo man you better man up" sabi ng matanda. "Hala daddy what are you saying?" tanong ni Christian saka sila nagkatitigan. "You better man up, wala sa lahi natin ang duwag. Anak if you need advice nandito lang ako kahit na hindi ko masyado pinagdaanan ito kasi mama mo nanligaw sa akin" biro ni Conrad kaya natawa ng malakas si Christian.

"Isusumbong kita" bulong ng binata. "Totoo yan, idedeny ng mama mo yan syempre" hirit ng matanda kaya tuloy ang tawa ng binata. "Kidding aside, I know what you are going through and I do hope its real. Pag hindi wag mo na ituloy anak, I don't want to see the both of you ending up hurt. Kapag seryoso ka at totoo ang nararamdaman mo then you go for it anak"

"No excuses, hindi duwag ang anak ko" sabi ni Conrad. "Daddy kasi its complicated" sabi ng binata. "I said no excuses, you are the only one making it complicated. Kaya go to Francesca and tell her what you feel" sabi ni Conrad.

"Daddy, hindi siya. Si Rosh po" sabi ng binata. "Huh, e di umamin ka din"  landi ng matanda kaya natawa ng malakas ang binata saka hinaplos mukha niya. "Don't hide your face, sige na go wash the car para may time ka to spend with her" sabi ni Conrad. "Daddy, time out muna ata. Madami ako nasabi kahapon na..basta daddy" sabi ng binata.

"Alam mo anak sa pagplano ng atake every second counts. One hesistation even for a second will cost you your life. Kaya dapat alisto ka. Yang pinagdadaanan mo para kang nasa battle field kung saan madami kang kalaban kasama na sarili mo. One hesistation and that's it"

"Magtiwala ka sa sarili mo anak. Sa buhay madaming pagsubok, wag kang duduwag duwag. Win or lose, that is what life is all about. Pag panalo good, pag talo bumangon ka ulit at ituloy mo laban mo. Yang kaba na nararamdaman mo maganda din yan para patunayan na totoo ang nararamdaman mo. Pero pag yang takot mo hinayaan mo magkontrol sa iyo..."

"You will lose her, you will lose all the battles ahead of you. Sige na hugasan mo na yung kotse para may time ka para sa kanya" sabi ni Conrad. Hinaplos ni Christian tiyan niya, "Daddy, ang lakas ng powers nila" sabi ng binata. "The stronger the butterflies, the stronger the love you have for her. Go" sabi ng matanda.

Samantala sa kabilang bahay sinakal ni Rochelle ang kapatid niya. "Ate!" reklamo ng binata. "Eeeeehhh" hiyaw ng dalaga saka tumawa ng malakas. "Ate naman e, maawa ka naman kagabi ka pa. Ang dami ko nang pasa sa braso ko. Ma, ate wants to kill me" sumbong ni Rico.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon