Chapter 32: Pretenders

3.6K 93 16
                                    

Chapter 32: Pretenders

After breakfast nagtungo agad si Christian sa bahay nina Rochelle. "Nagbibihis pa siya, have you eaten breakfast?" tanong ni Rina. "Tapos na po tita" sagot ng binata. "Kuya san kayo mag date ni ate ngayon?" biro ni Rico. "Hoy Rico narinig ko yan!" sigaw ni Rochelle mula sa taas.

"May titignan lang kami saglit" sabi ni Christian at sakto bumaba na yung dalaga. Napatingin si Rina, napansin na pareho yung kulay ng shirt nung dalawa pero magkaiba lang ng design. "Alam niyo you two should get couple shirts if lagi kayo terno" biglang biro ng matanda.

"Ma! Anong couple shirts!" sigaw ni Rochelle. "Oo nga, everytime lalabas kayo lagi kayo terno, parang kayo na e" hirit ni Rico kaya napingot yung tenga niya. "Ikaw ang bata mo pa, nakasanayan na namin na terno" sigaw ni Rochelle.

"May pagka OC ate mo, kailangan terno para pag mawala siya madali siya mahanap. Hanapin mo lang same color ng suot mo" biro ni Christian. "Eeesh ayaw ko ng di terno or yung baduy tignan. That is all" sabi ni Rochelle. "Couple shirts nga" biro ni Rina.

"Ay naku, sige na alis na kami. Bye mommy" lambing ng dalaga saka humalik sa ina niya. "Ate bilhan mo nga ako ng chips" sabi ni Rico. "Okay, Choobs ilista mo chips. Anything else?" tanong ng dalaga. "Wala naman na, you two have fun" sabi ni Rina. "Sige po tita, Rico boy" paalam ni Christian.

Habang naglalakad tinignan ng dalaga ang binata, "May dala kang weapons?" tanong niya. "Hahahaha for what?" tanong ni Christian. "E baka masamang tao yon e, what if nanlaban siya?" tanong ng dalaga. "Relax, kakausapin natin ng maayos. Are you nervous?" tanong ng binata.

"Sobra, iniisip ko yung mga pwede niyang gawin e. What if violent siya? Diba ang taong guilty tapos naipit nagiging violent?" sabi ni Rochelle. Humarap ang binata at humawak sa mukha ng dalaga. "No eyebags, good akala ko kasi hindi ka nakatulog" lambing ng binata.

Nanginig si Rochelle, pagbitaw ng binata napangiti siya at madiin na pinagbabangga ito. "Relax ka lang, pero Rosh nahihiya ako kanina e, bakit ka naka skirt?" tanong ng binata. "Excuse me, look closer, shorts ito" sabi ng dalaga.

"Ay oo nga, pero wala kang bag" sabi ng binata. "Para mabilis tayo makatakbo mamaya at walang maiiwan" banat ni Rochelle kaya nagtawanan sila. "Grabe ang paranoid mo" sabi ni Christian. "At ikaw, ano yang suot mo? Ang daming bulsa na shorts. Ayan eto ibulsa mo wallet ko" sabi ng dalaga.

"Cargo shorts, first time ko magsusuot ng ganito. Kasya na e, maganda ba?" tanong ng binata. "Camouflage pa talaga e, makiki gera ka?" landi ng dalaga. "Blue naman, hindi ba bagay?" tanong ni Christian. "Okay naman, kulang nalang madaming bling bling para isa ka nang mafeeling na rapper" biro ni Rochelle.

"Basta we know what he looks like now. Wait, suspect lang siya so wag muna tayo mag assume. We are going to talk to him. Dali na para mauna tayo dumating doon para sakto sa plano natin" sabi ng binata.

Sa loob ng coffee shop haplos ng haplos si Rochelle sa mga tuhod niya. "Uy Rosh ano ba?" reklamo ng binata na abala sa paghihiwa sa ensaymada. "Bakit ang cool na cool mo? Are you not worried?" tanong ng dalaga.

"Why should I be worried e wala naman tayo kasalanan? Kakausapin lang natin siya. Rosh magrelax ka nga, wag kang matakot kasi nandito ako" sabi ni Christian. "Okay" sagot ng dalaga. "O eto, say ahhh" lambing ng dalaga, natawa ito pero game na game naman na kinain yung sinusubo ng binata. "Kalma ka lang Rosh, nothing bad will happen"

"Sagot kita. Kung pumalag siya then wag kang mag aalala. Papakitaan ko siya ng kung fu panda skills ko" sabi ng binata. "Sira, kain ka din" sabi ng dalaga. "Mamaya, sige lang. Masarap ba?" tanong ng binata. "Yeah, kain ka nga" sabi ni Rochelle.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon