Chapter 18: Flip

3.9K 99 18
                                    

Chapter 18: Flip

"Choobs! Choobs!" narinig ni Christian na sigaw habang binubuksan niya yung human entrance ng gate nila. Nakita niya si Rochelle papatakbo papunta sa kanya, ang binata nagsimulang tumakbo at pagkahabol ng dalaga nagsabay sila.

Lumingon si Christian, napalingon narin si Rochelle, tuloy ang takbo nila pero nung nakalayo sila konti napasigaw ang dalaga. "Choobs stop" hiyaw niya kaya tumigil ang binata na hingal na hingal.

"Oo na kaya mo na tumakbo, grabe ka gusto mo pa talaga ipasikat na kaya mo na" sabi ni Rochelle. "Ha? Anong pinagsasabi mo? Akala ko may naghahabol sa iyo e" sabi ng binata. "What?" tanong ng dalaga na hiningal din.

"Akala ko may humahabol sa iyo kaya tumakbo narin ako" sabi ng binata. "Hahaha siraulo ka, you thought may naghahabol sa akin?" tanong ni Rochelle. "Oo, nakakatakot naman kasi yung pagshout mo sa name ko, akala ko tuloy nandyan na stalker mo at hinahabol ka kaya tumakbo ako" sabi ni Christian.

"Ang sama mo, what a friend you are. If ever may humahabol nga sa akin ikaw pa unang tatakbo" sabi ng dalaga patampo. "At least I held your hand" sabi ng binata saka inangat yung holding hands nila kaya nanigas ang dalaga.

Sa kalituan at pagod doon lang naalala ni Rochelle na inabot ng binata kamay niya bago ito tumakbo, naalala ng dalaga na humawak naman siya ng walang rason at hanggang sa mga sandaling yon magkahawak parin mga kamay nila. "Ikaw talaga, nauna man ako tumakbo tinangay naman kita e" hirit ni Christian.

Todo pigil si Rochelle, niyuko niya ulo niya saka nagpunas ng pawis at doon lang bumitaw ang binata sa isang kamay niya. "So walang naghahabol sa iyo?" tanong ni Christian. "Wala no" sagot ng dalaga. "Zombie?" hirit ng binata at nagtawanan sila.

"Wala, may good news lang ako na sasabihin sana" sabi ng dalaga. "Anong good news?" tanong ng binata. "Tara balik tayo, grabe ang layo ng natakbo natin ah" sabi ng dalaga. "Oo nga e, so anong good news at teka nga. Saan ka galing? Bakit galing ka direksyon ng kanto na mag isa?" tanong ni Christian.

"Ayun nga, ang good news ko ay I made peace with Duday" sabi ni Rochelle. "You did? Ano nakain mo?" tanong ng binata. "Wala lang, kasi last night parang natauhan ako. Parang ang dami ko masyado kaaway dahil sa pagka childish ko. Look I didn't even know you played the drums, gosh di pa nga ako nakaka recover"

"Pagkauwi ko kinulit kulit ko sina mama at papa, nainis nga sila sa akin e. Binida ko you know how to play the drums and you even sang" sabi ng dalaga. "Gosh, gusto ba nila autograph?" landi ng binata kaya natawa yung dalaga. "Choobs wag ka masyadong mahangin, so ayon nga I made peace with Duday, sakto birthday niya today" sabi ng dalaga.

"Birhday ni Duday ngayon? Ay oo nga no, magkalapit lang birthday niyo. Today ba?" tanong ni Christian. "Yes its today, after seven days ako naman" sabi ni Rochelle. "May party daw ba?" tanong ni Christian.

"Wala daw pero may konting handaan daw sila, she invited me nga e" sabi ni Rochelle. "E ako?" tanong ni Christian. "Hindi ata" sabi ng dalaga kaya nagsimangot ang binata. "Hahahaha natural! Sabi niya uy punta ka ha, isama mo si Christian. So ayan choice ko if isasama kita o hindi?" biro ng dalaga.

"Ano nakain mo Rosh?" tanong ni Christian. "Wala, naisip ko lang na I have been too childish" sabi ng dalaga. "You told her ano?" tanong ng binata. "Hahaha as if naman kaya mo pigilan bunganga ko" sabi ni Rochelle. "O ano sabi niya?" tanong ng binata.

"Gulat, sa susunod daw sama daw siya. Siguro kung hindi ako naging childish kayo na ni Duday ano?" sabi ni Rochelle kaya natawa ng malakas yung binata. "Kasalanan mo if ever, pero never na nagpalit ng hairstyle si Duday ano? Eversince bata ganon na lagi" sabi ni Christian.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon