Chapter 24: Pagpakilala

3.9K 91 21
                                    

Chapter 24: Pagpakilala

"Darling you are so fickle minded" sabi ni Frank. "Konti lang naman po sila, sina Zenia, Lalaine, Wes, tapos yung iba pa. Para makilala niyo ulit sila. Konti lang sila promise" sabi ni Rochelle habang yakap yakap yung tuta niya.

"Okay, pero mamaya mo na sila papuntahin kasi we have to prepare" sabi ni Rina. "Tita kami na ni Rico boy pupunta sa market" sabi ni Christian. "Good idea, para maka diretso tayo sa grocery. Pwede natin sila idaan sa market" sabi ni Frank. "Hala pano ako? Maiiwan ako dito?" tanong ni Rochelle.

"Hindi naman sila kakain ng madami, I told them na konti lang handa" hirit ng dalaga. "Aysus darling kahit na, maghahanda nalang tayo" sabi ni Rina. "Stay put ka dito, bonding kayo ni Seph" sabi ni Christian. "Sama nalang kami" sabi ng dalaga. "You stay, special day mo kaya magpa beauty ka or whatever you do. Play with Seph, gawin mo yung reward system. Sanayin mo siya sa iyo" sabi ng binata.

"Okay, bilisan niyo ha. Come on baby, I will teach you how to sit" sabi ng dalaga. "Be patient with him" sabi ni Christian. "Kung ikaw naturuan ko nga sumayaw with your two left feet eto pa na uupo lang. Pag balik mo marunong na ito maupo on command" pasikat ng dalaga.

Sinundan ni Rico ate niya, sa likod ng bahay nacorner yung dalaga kaya nagulat siya. "Grabe ka naman, magbago ka naman na ate. Yung mga sinasabi mo minsan nakakasakit" sabi ng binata. "Ha? What did I do?" tanong ni Rochelle. "Bakit mo naman siya ikukumpara sa aso? Hindi naman siya hayop" sabi ng binata.

"I did not, anong pinagsasabi mo?" tanong ng dalaga. "Siguro hindi pero alam mo naman mga tukso sa kanya e. Parati kang ganyan sa kanya. Di mo iniisip sinasabi mo. Ang bait bait na nga niya tapos di mo pa kasi iniisip sinasabi mo" sabi ni Rico. "Excuse me.." sabi ng dalaga pero nagpakita si Frank. "Your brother is right, be mindful on the way you speak"

"Yes you two have been friends since childhood, you cannot say sanay na siya. Since childhood Rochelle, if there is anyone who can hurt him really bad, that is you" sabi ng matanda kaya natulala yung dalaga at napaisip ng matindi. "Sorry ate, pero medyo di maganda yung sinabi mo kanina. Wag kang mag alala itatawa lang niya yon as usual" sabi ni Rico.

Niyuko ng dalaga ulo niya, naglakad sa stone pathway at naaliw siya na sinundan siya ng kanyang tuta. Nung matauhan siya napatakbo siya, muling naaliw yung dalaga pagkat hinabol siya ni Seph. Di na niya naabutan yung kotse nila kaya medyo nainis siya pagkat gusto niya sana mag sorry sa kaibigan niya.

Isang oras lumipas umingay sa loob ng bahay nina Rochelle. "Oh no" sabi ni Rina. "Tita okay lang, tutulong kami kasi gutom na ata si Christian" banat ni Wes. "Tita we will help" sabi ni Zenia. "Ay o sige, Rochelle bitawan mo kasi muna aso mo at tumulong ka narin" sabi ni Rina.

"Wag na, birthday niya ma. Sige ate doon ka sa ibang bisita mo" sabi ni Rico. "Dito nalang kami tapos don kayo sa labas. Ma we got this" sabi ni Rochelle. "O sige, nasan si Christian?" tanong ng matanda. "Nandon sa labas kasama si daddy" sabi ni Rico kaya lumabas sila.

"Hoy mga senyorito tumulong kayo" sabi ni Lalaine kaya tumayo sina Arnold at Arthur. "Kanino yung saxophone?" tanong ni Arnold. "Ay! Guess what?" sigaw ni Rochelle saka natili kaya kumahol yung aso niya.

"Ano?" tanong ni Zenia. "So my mom woke me up with a kiss, pero eto ha...nagtataka ako bakit may malakas na nagpapatugtog ng jazz music. Saxophone nga, then hala pumasok si papa at Rico then they opened the curtains and told me to get up and look. Si Choobs he was playing the saxophone for me" sabi ni Rochelle.

"Si Christian?!" tanong ni Arnold. "Oo, sa tapat sila diba? Grabe, akala ko joke. Akala ko umaakting siya nagplay ng sax pero nagpapatugtog siya ng radyo ng malakas. E diba joker din yan lagi? Pero siya pala talaga. Grabe he stopped tapos happy birthday song tinugtog niya"

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon