Chapter 13: Covert Ops

4.1K 101 17
                                    

Chapter 13: Covert Ops

Biyernes ng hapon ng habang naglalakad pauwi yung magkaibigan nakatanggap ng text si Christian. "Sino Choobs?" tanong ni Rochelle. "Si Lalaine" sagot ng binata. "Naks, yiheeee" landi ng dalaga. "Rosh..pakibasa nga" sabi ng binata.

"Ano nanaman kaartehan yan?" tanong ng dalaga saka kinuha yung phone. "Are you free tomorrow?" basa ng dalaga saka napataas mga kilay niya. Natigil sila sa paglalakad, si Christian tila nakikiliti kaya natawa ang dalaga. "Sagutin mo dali" udyok niya. "Ano ibig sabihin niyan Rosh?" tanong ni Christian.

"You know what that means" sabi ni Rochelle. "I don't, ano ibig sabihin niyan?" tanong ni Christian. "Tumigil ka nga, sagutin mo na kasi" sabi ng dalaga. "Ng ano?" tanong ng binata. "Nagpapatawa ka ba?" tanong ni Rochelle.

Kinuha ng binata phone niya saka binulsa at nauna nang naglakad. "Oy Choobs, ano problema mo?" tanong ni Rochelle. "Wala, hayaan mo na" sabi ng binata. "Bakit di mo sinagot?" tanong ng dalaga. "Rosh siguro ikaw sanay ka na sa ganyan, for me its my first time really being asked that question"

"Oo parang may idea ako, maybe it is what it is pero..." sabi ng binata. "Yes Choobs I think she is asking you out" sabi ni Rochelle. "I see" sagot ng binata. "I see? I see ka diyan" sigaw ng dalaga kaya nagtawanan sila. "Baka magpapatulong lang sa project, or baka magpapasma lang maybe" sabi ni Christian.

"Kahit na! Sagutin mo na. Sa lahat ng pwede niya tanungin ikaw, that means a lot already. Dalian mo sagutin mo na" sabi ng dalaga. "Ano sasabihin ko?" tanong ni Christian. "Oh my God, may lakad ka bukas?" tanong ni Rochelle. "Wala" sagot ng binata. "O di sabihn mo sa kanya wala. Ay grabe ka Choobs ha" sabi ng dalaga.

Sasagot na sana ang binata pero napatigil ito, "O bakit nanaman?" tanong ni Rochelle. "Rosh may lakad ba tayo bukas?" tanong ng binata. "Wala, sige na sagutin mo baka sabihin paimportante ka" sabi ng dalaga. "Pag sinagot ko agad baka naman sabihin atat ako" landi ng binata.

"Choobs" sigaw ng dalaga. "Eto na, ayan sinagot ko na. So pano yan kami na?" landi ng binata. "Baliw! So pag nagtetext tayo tapos sinasagot mo ako so ilang beses na naging tayo ganon?" banat ni Rochelle. "Pwede" hirit ni Choobs.

"Lagi kayo magkatext ni Rico" landi ng dalaga sabay tumawa ng malakas. "Bruha ka talaga...hala nagreply agad. Wow look at that atat siya" landi ni Christian. Inagaw ni Rochelle yung phone saka binasa yung sagot, "Great! Snack tayo or coffee?" basa niya kaya dumikit si Christian at nakibasa.

"Oh my God she is really asking me out" sabi ng binata. "Sure, I would love to. What time and where?" sabi ni Rochelle. "Hoy bakit ikaw yung sumasagot?" reklamo ng lalake. "Shumut up ka nga diyan, I got this" sabi ng dalaga.

"Anong you got this?" tanong ni Christian. "Shhhh para less errors" sabi ni Rochelle saka napatigil at nagbungisngis. Tumigil siya sa paglalakad saka tinignan yung binata, "Bakit?" tanong ni Christian kaya tinignan ng dalaga yung braso ng binata na nakaakbay sa kanya.

"Ay sorry, di ko kasi makita yung screen" sabi ni Christian. "Its fine" sagot ni Rochelle saka napangiti at nagpigil ng tawa. "Baka sinasabi mo naman practice to, gusto ko lang naman mabasa yung sinasagot mo e" sabi ng binata. "Okay nga lang e, arte mo" sabi ng dalaga.

Bandang alas sais ng hapon dumalaw ang dalaga sa bahay ng binata. "Christian si Rochelle nasa porch" sabi ni Mashel. "Bakit di mo pinapasok ate?" tanong ng binata. "Nahihiya, labas ka daw" sabi ng kasambahay.

Paglabas sa porch nakita ng binata ang dalaga na nakaupo sa bucket seat. "Bakit di ka pumasok?" tanong ni Christian. "Nahihiya ako, kumakain na ba kayo?" tanong ni Rochelle. "Hindi pa, nagluluto pa sina mama at papa" sabi ng binata.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon