Chapter 55: Hinog

3.3K 98 12
                                    

           

Chapter 55: Hinog

Walang kumikibo, iinom sana si Rochelle sa baso niya pero wala na palang laman pero tinuloy niya parin saka mga mata niya gumalaw para tignan ang kaibigan niya. Nakita niya na nakangiti si Christian kaya napapangiti narin siya at unti unti gumagaan yung tensyon na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

Uminom si Christian mula sa bote, tuluyan nang humarap ang dalaga at nakita na may takip pa yung bote. "Ay sarado" sabi ni Christian pabulong kaya umariba ng tawa ang dalaga. Natawa narin si Christian, pareho silang natanggalan ng tensyon sa dibdib.

Binuksan ng binata yung bote, nakita niya walang laman na baso ng dalaga kaya tinitigan niya ito. "Juice pa?" palambing niyang tanong. "Yes please" sagot ni Rochelle. Nanginginig yung kamay ng binata kaya natatawa si Rochelle habang kinakargahan ang baso niya.

"Enough, thanks" sabi ni Rochelle kaya ang binata sumandal saka uminom mula sa bote. "Choobs" bulong ng dalaga. "Rosh" sagot ng binata kaya sabay sila tumingala at napangiti. "Choobs" sabi ni Rochelle. "Rosh" sagot ng binata kaya nagbungisngisan sila.

"Say something" sabi ni Rochelle. "Meoooowww" landi ng binata kaya super halakak ang dalaga. "Meow" sagot ni Rochelle. "Meow meow, meow meow, meow!" sigaw ng binata habang hinahaplos tiyan niya kaya super bungisngis silang pareho.

"Choobs ano ba?" reklamo ni Rochelle. "There is this immense happy feeling circulating all over my body. Pero Rosh, sorry ha parang may buntot itong kasiyahan na nararamdaman ko. Parang nanaginip ako, takot na takot ako tuloy magising kasi ayaw ko tumigil itong panaginip na ito"

"I know I am awake but part of me says I am just dreaming" sabi ng binata. "We are both awake, pero sa akin naman part of me is wishing that I was asleep and what I told you a while ago was just a dream" sabi ng dalaga.

"Aray" bulong ng binata. "Choobs, I meant every word. Yun talaga nararamdaman ko pero takot din ako sa magiging reaksyon mo. Baka kasi hindi ka maniwala sa akin" sabi ng dalaga pabulong.

"Totoo ba? Pag sinabi mo sa akin na totoo maniniwala ako. Look at me and tell me its real" sabi ng binata kaya napatingin ang dalaga pero ang binata nakatingala. "Pano ko sasabihin e nakatingala ka, tignan mo ako" sabi ni Rochelle.

"Wait lang, kinikilig ako, di ba halata nag vivibrate mga taba ko" sabi ng binata kaya natawa ng husto ang dalaga. "O game" sabi ni Christian saka tinignan ang dalaga pero si Rochelle naman yung tumingala.

Laugh trip yung dalawa, inabot ng dalaga yung kamay ng binata saka pinagpapalo at pinagkukurot. "Aray ko Rosh" reklamo ni Christian. "Ikaw kasi e, ano ba?" sabi ng dalaga. "Wala naman ako ginagawa" sabi ng binata. "O game" sabi ni Rochelle saka humarap.

Nagkatitigan sila, nagpigil sila pareho saka nagseryoso. "Totoo Choobs, totoong totoo. Pero siguro I was late to realize it. It took me three exes and a lot of suitors to realize that...ikaw nga" sabi ni Rochelle.

"Ako yung ano? Pag pinagsama sama mo timbang nila ako na yon?" tanong ni Christian. "Choobs naman e, I hate those kind of jokes. Ang tigas ng ulo mo" sabi ng dalaga. "Sorry, Rosh ang saya saya ng pakiramdam ko pero tsk I am so sorry if I still have doubts" sabi ng binata.

"I know, yan din yung kinakatukan ko e. Kasi naman you were with me from the start. Tulad ng sinabi mo alam mo na yung type ko, and you think you are not one of them. Pero Choobs mali ka, kasi all this time sa dami nila, sa pag akala mo alam mo na type ko..."

"Ang hindi mo naisip e...they all failed. So yung akala mong type ko, mali ka kasi walang nagtagumpay sa kanila. You kept asking me bakit, hindi ko kaya sagutin lalo na nung nag break kami ni Joseph"

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon