Prologue

19.7K 249 41
                                    

Prologue

Isang may katabaang lalake lumabas ng human entrance ng berdeng gate. Kinapa niya bulsa niya, naramdaman yung susi kaya tuluyan nang hinila yung pintuan. Inayos niya yung suot niyang dark blue shirt with collar, tinignan ang kanyang midnight blue sneakers saka huminga ng malalim.

"Choobs!" narinig niyang sigaw kaya napalingon siya. May isang magandang dilag na nakasuot ng dilaw na dress ang kumaway ang lumabas mula sa gate ng katapat na bahay. Tumakbo yung dalaga, yung binata nagbiro na mala slow motion na tumatakbo palayo. "Choobs" sigaw ng dalaga saka tumawa kaya ang binata tumigil at natawa narin.

"Magpapahabol ka talaga?" tanong ng dalaga. "As if naman kaya ko tumakbo ng mabilis no" sagot ng binata. "Choobs may lakad ka?" tanong ng dalaga saka lumapit. "Bakit?" sagot ng binata.

"Ay may lakad ka ata, ang porma mo e" sabi ng dalaga. "Bagay ba? Mga padala ng ate ko to. Ngayon ko lang isusuot" sabi ng binata. "Ganda ng shoes pero ayusin mo naman tong collar mo" sabi ng dalaga saka inayos yung kwelyo ng binata.

"Rosh, may pimple ka" sabi ng binata kaya biglang nagsimangot ang dalaga at ginulo gulo bigla yung kwelyo ng binata. "I hate you Choobs" sabi ni Rosh kaya natawa si Choobs. "E totoo naman, maliit lang naman e sa temple mo" sabi ni Choobs.

"E bakit mo pa kasi pinansin? Tsk nakakainis ka naman e" tampo ng dalaga saka inayos ulit yung kwelyo ng binata. "E halata e, so that means hindi ka nanaman lalabas ano?" landi ng binata.

"Lumabas ako para puntahan ka pero may lakad ka pala" sabi ng dalaga. "Ako? Bakit ano meron?" tanong ni Choobs. "Saka na, saan ka pupunta?" pacute ng dalaga. "Ano ba kasi problema mo?" tanong ng binata.

"Next time, di naman important. Sige na punta ka na" sabi ni Rosh. "Hindi ko nga alam kung lalabas pa ako e, nagdadalawang isip ako kanina pa" sabi ng binata. "Hmmm maporma ka tapos ang bango bango mo today, may date ka ano?" landi ng dalaga.

"Date? Uy wala no. Gusto ko lang isuot tong mga bago tapos nagtry ako sa pabango na padala ng ate ko" sabi ng binata. "Oh come on, may date ka ano? Sino? Kilala ko ba?" hirit ni Rosh.

"Wala, hindi na ako lalabas so ano yung kailangan mo?" tanong ng binata. "Choobs go, to naman tinukso lang kita ayaw mo na. Promise hindi ako magtatanong sino ka date mo" landi ng dalaga sabay tumawa.

"Hindi nga date e, and besides kanina ko pa siya tinetext, actually kagabi pa pero hindi sumasagot" sabi ni Choobs. "Ano bang lakad yan? Movie date?" hirit ni Rosh. "Its not a date, baka nakalimutan na may lakad kami. Hayaan mo na, sa iyo nalang atensyon ko kasi ngayon mo nalang ulit ako pinansin eversince nakabalik kayo dito" sabi ni Choobs kaya napasimangot ang dalaga.

"Di naman" bulong ng dalaga. "Totoo naman, o diba? One month na kayo nakabalik" sabi ni Choobs. "Baka wala lang chance, to naman" bulong ng dalaga. "Joke lang, no big deal naman, so ano meron?" tanong ng binata.

"Choobs, may stalker ako" sabi ni Rosh kaya nanlaki ang mga mata ng binata. "Ano ka artista?" biro ng binata kaya nagsimangot ang dalaga saka niyuko ang kanyang ulo. "May stalker ka talaga? Yung totoo Rosh?" tanong ni Choobs.

"Shhhh doon nga tayo sa loob, doon tayo sa porch niyo dali. Wag dito" sabi ni Rosh kaya humarap ang binata sa gate nila saka nilabas agad ang susi. "Rosh tignan mo to, eto mauna ka muna of course kasi babae ka" lambing ng binata kaya natawa ang dalaga na naunang pumasok.

"Rosh o" sabi ni Choobs saka pumasok. "O bakit ano meron?" tanong ng dalaga. "To naman o, front view na ako pumasok, diba dati hindi ako kasya kaya dapat side view. Pero look o" pasikat ng binata. "Naks oo nga no, pero in fairness pumayat ka grabe" sabi ni Rosh.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon