Kabanata 5

13 2 3
                                    

Lily's POV

Dito ako dinala ni Dustin sa isang building dito sa likod ng Student council office building.

Ngayon ko lang naalala na may sarili nga palang tambayan ang mga Prinsipeng ito.

Iba talaga pag mayaman. Tsk.

At heto na. Papasok na kami. Ano kaya itsura nito sa loob? Allowed ba ko dito?

Pero, hindi naman siguro ako dadalhin dito ni Dustin kung bawal.

Pagpasok namin, parang bahay lang ang loob. Super cozy. May sofa, TV, etc. As in bahay talaga ang set up nito. So siguro may mga kwarto din siguro sila dito.

Pagpasok namin, walang ibang tao pero may naririnig kaming boses ng mga lalaking nag uusap. Hinila naman ako ni Dustin papunta sa pinanggagalingan ng mga boses na yun hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto.

Pagbukas ni Dustin nun ay nabaling sa amin ni Dustin ang tingin ng tatlong lalaking nag uusap.

Ang mga ito ay si Jared, at ang dalawa pang Prince ng EMU na sina Sean Anton Merca at Dark Rafael Jordan.

Nakatulala silang tatlo sa aming dalawa ni Dustin. Halatang halata ang gulat sa kanila.

At syempre, naiintindihan ko naman sila. Sino nga ba naman kasi ang hindi magtataka na kasama ng isang Prince ng EMU ang isang pangit na tulad ko di ba?

Pero maya maya pa ay naalis na ang pagkagulat nila at sabay tumawa sina Sean at Dark.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon