Lily's POV
"Tama na nga yan."
Natigilan lang sila sa pagbato sakin ay nang marinig yung nagsalita.
Sabay sabay ang tatlong bruha na tumingin sa lalaking nanunuod pala sa amin.
"Prince... Dustin?"
Yep. Ang lalaki lang naman na pumigil sa kanila ay ang tinatawag nilang Prince Dustin Christopher Marquez.
Isa sya sa apat na tinatawag na Prince dito sa EMU at kaibigan sya ni Jared.
"Tigilan nyo na sya." Sabi pa uli ni Dustin.
"Pero Prince Dustin, bakit mo pinagtataanggol ang babaeng to? Dapat na tong sugpuin bago pa sya magkalat ng kapangitan nya dito sa University." Sabi yan ni Monique. Isa sa Super fan ni Jared.
"Basta pag sinabi kong tama na, tama na. Leave. Hayaan nyo na sya or else." Hala. Pagkasabi ni Dustin nun ay biglang natakot ang mga Super fan.
"Sorry na po Prince Dustin. Aalis na po kami." Pagkasabi nilang tatlo nyan ay kumaripas na ang mga ito ng takbo palayo.
Haysss.
Buti na lang. -_-Pero shemay.
Basang basa na ko. -_-Buti na lang at pinigilan sila ni Dustin...
Ay oo nga pala! Di pa ko nagpapasalamat.
Tumingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin.
"Ah hehe. Marami pong salamat sa pagtatanggol mo. Salamat po talaga. Kaso kung kelangan mo ng pera, wala akong maibabayad sayo. Mahirap lang po kasi ako. Di kita maiilibre o ano. Salamat talaga. Hehe." Pagkasabi ko nun, nagulat ako at bigla naman syang tumawa.
"Hahahahaha."
"Bakit ka po natawa?" Tanong ko.
"Kasi naman. Hahahahaha."
Ay hanep ang lalaking to. Inuuna pa ang pagtawa kesa mag explain. -_-
Bakit kaya sya natawa?
Mukha na ba kong clown ngayon?Kadalasan kasi sabi nila nakakatakot ako sa kapangitan eh.
Ang layo naman nun sa clown.
"Kuya bakit ka po talaga natawa? Anong nakakatawa?" Tanong ko.
"Ikaw. Hahahaha. Nakakatawa ka. Hahahaha. Kasi naman... Hahahaha. Ako? Iniisip mong magpapabayad sayo? Hahahaha. Kilala mo ba ko? Hahahaha."
"Ahehe. Kilala po kita. Ikaw nga si Dustin di ba? Bakit? Fake ka ba?" Pagkasabi ko nun, lalo pa syang tumawa.
"Hahahaha. Meron bang ganun? Taong fake? Hahahaha."
"Ah eh? Ano po ba talaga ibig sabihin mo?"
"Kasi naman. Haha. Ikaw lang yung taong nag isip na kelangan ko ng pera. Lahat kaya dito sa EMU ay alam kung gaano ako kayaman. Tapos ikaw? Akala mo kelangan ko ng pera? Hahahaha. Adik ka ba? Hahaha."
"Ahehehe. Sorry po." Sabi ko. Baka naoffend sya eh. Pinagtanggol pa man din nya ko.
"Ah okay lang. Nakakatawa ka lang talaga. Haha." Sagot naman nya. Habang humihinahon na pagtawa.
Hays. Buti naman. Makaalis na nga. Baka kung ano pang masabi kong mali.
"Salamat talaga! Una na ako!" Pagkasabi ko nun, tumalikod na ko at akmang aalis.
"Hinahanap mo di ba si Jared? Alam ko kung nasan sya ngayon."
Napatigil ako ng paglalakad at napaharap ulit sa kanya.
"Talaga? Kakausapin ko sana sya about sa Thesis namin eh. Kaso..."
Kaso naalala ko kasing basang basa nga pala ako. Alangan namang makipag usap ako ng ganito di ba?
"Kaso ano?" Tanong nya.
"Basang basa na po ako eh. Alangan namang makipag usap ako ng ganito di ba?"
Ngumiti naman sya.
At Shocks. Bakit ngayon ko lang napansin? Bakit ang gwapo nya?
Lalo na yung ngiti nya. :)
"Oo nga noh. Basang basa ka nga pala. Pero don't worry. Ako nang bahala sayo. Tara."
Pagkasabi nya nun ay hinila na nya ko papunta sa lugar kung nasaan daw si Jared.
Pero bakit ganito sya kabait sa akin? Bakit nya ko tinutulungan?
Bakit kaya?.
.
.
Pero mukha namang sadya syang mabait eh. Baka mabait lang talaga sya?
Siguro ganun na nga.
At magpapasalamat na lang ako ng doble doble sa kanya mamaya. :).
.
.
At napatingin naman ako sa mga nakakakita sa aming paglalakad.
Oh no! Ang sama nanaman ng tingin nila.
At alam ko kung ano nanaman iniisip nila.
Ang isang pangit at dukha na tulad ko, kasama nanaman ang isa sa kanilang prinsipe?
Naku! Gulo nanaman to!
Read. Vote. Comment.
Salamat ng marami! :)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
CasualeHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...