Kabanata 6

9 2 0
                                    

Lily's POV

"HAHAHAHAHAHAHA."

Walang tigil ang katatawa nina Sean at Dark. Ang creepy na nga nila eh.

"Kayong dalawang ugok, bakit ba tawa kayo ng tawa?" Dustin.

"Wala lang. Nakakatawa lang talaga ang mga pangyayari ngayong araw na to. Hahahaha." Sean.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" Tanong naman ni Jared kay Dustin. Kanina pa ang sama ng tingin nya sa akin.

Andito kami ngayon sa living room nitong tambayan nila. Pinahiram ako ni Dustin ng damit para makapagpalit tapos eto na nga. Kakausapin ko na si Jared.

"Nakita ko lang naman syang inaapi ng mga fans mo dahil hinahanap ka nya. Kaya tinulungan ko." Dustin.

"Wow. Tagapagtanggol ka na pala ngayon ng nga naapi?" Jared.

Grabe naman si Jared. Sama talaga ng ugali nitong lalaking to.
Kaya sisingit na nga ako sa usapan.

"Ah eh. Gusto lang sana kita kausapin tungkol sa thesis natin kaso bigla ka na lang umalis kaya hinanap kita." Sabi ko at bigla syang napatingin sa akin.

"Kaya nga ako umalis dahil ayokong makipag usap tapos hahanapin mo ko? Eng eng ka ba?"

Aba. Aba. Ang talas talaga ng dila ng lalaking to ah.

"Aba. Para sabihin ko sayo, para sa paggraduate nating dalawa ang paggagawa ng thesis na to. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kelangan mong tumulong dito." Ginagalit ako ng lalaking to. Asar.

"Ayoko nga kasi sa panget." Jared.

"Ang kapal mo. Akala mo naman napaka gwapo mo." Ako.

Bigla silang nanahimik lahat sa sinabi ko. Pero maya maya...

"Hahahaaaaa."
"Hahahahahaha."
"HAHAHAAHAHAHAA"

Tawang tawa sina Sean, Dark, at Dustin. Ngayon lang ata kasi may nagsabi nun kay Jared eh. Naku po. Yari ako neto.

"Sabi naman sayo Jared mas gwapo pa ko sayo eh." Dark.

"Mahiya ka naman kay Lily. Hahahaha. Feeling ka lang pala eh." Sean.

"SHUT UP!" Jared.

Oh no! Galit na ata si Koya. Bigla tuloy napatigil silang lahat katatawa. Grabe naman. Napaka pikonin pala ng lalaking to.

"Oopsss. May pupuntahan pa nga pala ako. Kayo na bahala kay Lily ha." Sabay alis ni Dustin.

Grabe sya. Iniwanan nya ko dito. T_T

"Hehehe. Kami din ni Sean. Di ba Sean? Tara na nga. Malelate tayo sa pupuntahan natin." Pagkasabi ni Dark nun ay hinila na din nya si Sean paalis.

Tapos naiwan na lang si Jared na masamang tingin sakin.

Oh no!

Biglang nagsink in sakin na kami na lang palang dalawa dito.

Whatodo?

---------------------

Read. Vote. Comment.
Thank you readers! :)

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon