Kabanata 3

13 3 1
                                    

Lily's POV

Kringgg!!!

Uwian na kami at bigla na lang umalis agad yung Thesismate ko.

Di man lang sya makikipag usap sakin? Eh pano na ang thesis namin?

Kelangan daw bukas ay nakapagdecide na kami kung anong klaseng thesis gagawin namin sabi ng aming Professor. Para daw makapag isip na kami ng project proposals.

Kaso...
Paano na nga?

Wala na yung kapartner ko?
Saan kaya yun pupunta?

Haysss.

What to do?
What to do?
What to do?

Hays. Hahanapin ko na nga lang.

Tiyak di pa yun nakakauwi.

Lumabas na ko at naglakad lakad dito sa school. Saan ko kaya sya unang hahanapin? Madami kasi syang pwedeng puntahan dito sa school eh.

Maaaring nasa office sya ng Student Council dahil Officer sya doon. Pwede ding nasa Gym sya kasi Varsity player sya ng aming Basketball Team. Tapos andami pa nyang ibang Clubs. Kasi sa sobrang dami nyang Fans, ginagawa syang Honorary member ng mga yun.

Lakad. Lakad. Lakad.

Habang nagkwekwento nga pala ako ay naglalakad na ko at napuntahan ko na ang gym kung saan walang naglalaro. Nagpunta na din ako sa Office ng Student Council pero wala sya dun.

Tapos andito ako sa tambayan ng mga Clubs pero wala din sya dito.

Hayssss.

Asan kaya yun?

Baka naman nga dumeretso na pauwi? Paano na yung about sa Thesis namin? Wala pa naman akong cellphone para icontact sya. Mahirap nga lang kasi ako di ba?

Pero kung may cp nga pala ako, wala din naman akong number nya. Walang sense.

Hahaha. Epic ko din talaga mag isip minsan. -_-

Dere deretso lang ako a paglalakad dito sa grounds ng University ng biglang may humarang sakin.

Napatingin naman ako sa tatlong babaeng nakaharang sakin.

Bakit kaya?
Ano nanamang ginawa ko sa kanila?

Pero...

Oh No!
Parang alam ko na kung bakit.
Yung mga humarang kasi sakin ay yung mga bruhang super fan ni Jared.

"Hoy Panget! Ang kapal naman ng mukha mong hanapin si Prince Jared namin!"

"Ah. Hehe. Hinahanap ko lang naman sya para sa Thesis namin eh. Wag kayong mag alala. Inyong inyo na ang Prince nyo. Hehe."

Pagkasabi ko nun ay lalakad na sana ako ulit at lalampasan na lang sila. Kaso hinawakan ako nung lider nila na si Tanya.

"So ikaw pala yung Panget na Thesismate ng Prince namin! Magbabayad ka dahil kapartner mo sya! Girls, attack!"

Pagkasabi nun ni Tanya ay bigla akong inulan ng plastic na may lamang tubig. Binabato nila ako.

"Aray! Tama na!"

"Buti nga sayo! Panget ka na nga, Ambisyosa ka pa eh! Hahaha."

"Tama na sabi. Di ko naman ginusto makapartner Prince nyo. Aray!"

Pero kahit anong sabihin ko ay patuloy lang sila.

Hanggang sa...

.

.

.

.

.

"Tama na nga yan."

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon