Kabanata 19

16 1 1
                                    

Lily's POV

"Class next week na ang pasahan ng Chapter 1-3 ng Thesis nyo. Kaya sana naman ay ginagawa nyo na ngayon pa lang yun para di kayo mahirapan. Dito nakasalalay ang paggraduate nyo."

Oo nga pala.
Dahil sa pagpapanggap namin ni Jared, medyo naging distracted ako. Umpisa pa lang tuloy ang nagagawa namin.

Patay kami neto.

Napatingin naman ako sa kanya sa likod.

Pero tinaasan lang ako ng kilay.
Aba. Parang wala lang sa kanya.
-________-

Hays. Kakausapin ko nga sya mamaya.

"Kaya class, hindi na muna ako maglelecture. Pauuwiin ko na kayo at mag usap na lang muna kayo ng partners nyo about sa Thesis nyo. Ok?"

Parang narinig ni Ma'am ang iniisip ko at buti na lang mapapaaga na ang pagkausap ko sa walang pakialam na partner ko.

Maya maya ay nagsimula nang maglabasan ang mga kaklase namin at nilapitan ko naman si Jared. Kelangan na naming maggawa ngayon kung gusto naming umabot sa deadline next week.

"Jared, tara. Gawin na natin yung thesis natin. Umpisa pa lang tayo dun eh."

"Okay." Maikli nyang sagot.

Alam kong di sya aangal kasi tanda nyo ba yung sinabi nya para pumayag ako pagpapanggap naming dalawa?

Usapan namin noon na makikicooperate na sya paggagawa ng Thesis namin pag pumayag ako.

Kaya di sya pwedeng magpakatamad ngayon.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway.

Kaso patay!

Naalala ko nga pala na gagabihin si Inay ng uwi ngayon.
Kaya kelangan kong umuwi ng maaga para alagaan si Mimi at Lulu.

Pano na to?
Whatodo?

Isip.

Isip.

Isip.

AHA!

Alam ko na! Kaso ewan ko nga lang kung papayag si Jared sa naisip ko. -_-

"Ahhh eh, Jared."

"Huh?" Ang tipid talaga magsalita ng lalaking to minsan

"Pwede bang sa bahay na lang tayo maggawa ngayon?" Tanong ko.

"Sure. Sa bahay ko." Hays. Di pala nya nagets yung tanong ko.

"No. What I mean is sa Bahay ko."

Biglang nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko.

"WHAT? SA BAHAY MO? SA SQUATTERS AREA NA YUN? NO WAY."

Ay grabe syang manlait. T_T

"Dali naaaa. Gagabihin kasi ng uwi si Inay kaya kelangan kong umuwi ng maaga para kina Mimi at Lulu eh." Sabi ko with pabeautiful eyes pa.

"AYOKO! MAKAGAT PA KO NG LAMOK DUN AT MAMATAY. SAYANG ANG MAGANDANG LAHI KO."

Wow. Talagang nasingit pa nya ang pagyayabang sa oras na to. -_-

Pero alam ko na ang panglaban ko sa kanya. Hihihi.

"Sabi mo dati makikicooperate ka pagtethesis natin. Pero bakit ganyan ka? Ngayon ko lang naman to hihilingin sayo pero ayaw mo pa ko pagbigyan. Ang hirap hirap naman lalong magpanggap na girlfriend mo noh. Kaya kung ganyan ka, buti pa itigil na natin to."

Hihihi. Sana umepek yung drama ko. ^___^
Sabay bilis ko ng lakad na parang nagwalk out.
Iniwan ko sya. Hihihi.

Kapal ng beauty ko.
Ang panget na gaya ko ay nagwowalk out lang sa gwapong gaya ni Jared. ^____^

.

Pero gaya ng inaasahan ko, di pa ko nakakalayo ay biglang may humawak sa kamay ko at sinabing...

"Sige na nga. Pagbibigyan kita ngayon. Pero minsan lang to ha. Wag kang aabuso."

---------------------------

Sa next chapter,
Paano kaya makakasurvive si Jared sa bahay ni Lily?

.

.

Abangan ang kaartehang ipamamalas ng ating lalaking bida. XD

.

Read. Vote. Comment.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon