Lily's POV
Uwian nanaman.
At tulad ng sabi ni Jared kahapon, sya ang nakipag usap kay Ma'am kaya di kami napagalitan kahit wala pa kaming nasisimulan sa Thesis namin.
At naalala ko yung sabi nya kahapon na ngayong uwian daw kami gagawa nung thesis namin. Pero di ko alam kung totoo ba yung sinabi nya.
Naaawkward naman akong tanungin sya dahil sa kahapon.
Hays. Kaya eto. Nagliligpit na ako ng gamit ko. Sya naman ay nasa upuan pa din nya.
Pero maya maya ay tumayo na sya. Pero pagdaan nya sa tabi ko sabi nya...
"Maya maya mag intay ka sa gate dadaanan kita. Sa bahay ko tayo maggagawa ng thesis natin."
HUWAT? SA BAHAY NILA?
BAKIT DUN PA???------------------------------
Jared's POV
"Madami ka naman ibang pwedeng paglaruan. Kelangan ba talaga pati sya?" Tanong ni Dustin.
Alam nyo ba kung sinong pinag uusapan namin? Walang iba kundi si Lily. Oo. Kaya bigla akong bumait sa kanya ay dahil gusto ko syang paglaruan.
Pero anong masama dun? Normal na sakin gawin to sa kung sino sino. Kaya anong problema nitong si Dustin?
"Bro, anong problema mo? Tulad lang din naman siya nung ibang babaeng pinaglaruan ko. Dati naman hindi ka nangingialam. Pero bakit ngayon ganyan ka?" Tanong ko sa kanya sabay titig ng mariin. Umiwas naman sya ng tingin.
"Kasi... Ah... wala naman. Kasi pangit naman sya kaya bakit kelangan sya pa?" Dustin.
"Nakakatawa kasi sya. And masaya syang kalaro. Maiba naman." Sabi ko.
Yung mukha nya undecided pa din. Bakit ba parang concern na concern sya sa babaeng yun?
"Okay. Just don't be too harsh on her." Sabi pa nya.
"Fine. Just trust me. I'm just going to enjoy. By the way, I'll go ahead. Naghihintay na sya sakin sa gate."
Pagkasabi ko nun ay lumabas na ko at sumakay ng sasakyan.
And let the game begin...
--------------------------
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
RastgeleHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...