Kabanata 18

34 1 2
                                    

Jared's POV

"Di pa rin ako makapaniwala na si Lily ka. Ang laki talaga ng improvement! Haha." Sabi ni Dark na di makapaniwala na medyo naayos na ang itsura ni Lily ngayon.

"Pero ako, mas hindi ako makapaniwala na kayo na agad. Grabe talaga! Bilis mo bro! Congratsss!" Sabi pa sakin ni Sean.

-_-

Lakas tama ng mga to.
Kahit sinabi na namin ni Lily sa kanilang tatlo nina Dustin na nagpapanggap lang kami, hangang hanga pa din sila.
But I know na may ibang iniisip ang mga to. Lalo na sa bati ni Sean na Congrats.

Buti na lang walang kaalam alam si Lily sa iniisip nila. Kung hindi, baka

"Hehe. Joke joke nga lang na kami ni Jared. Grabe ka naman makatawa dyan Sean. Kahit ba sa joke ay napakaimposible talaga nun? Hahaha." Sabi ni Lily sabay tawa.

Dahil sa pagiging madalas nya dito sa tambayan namin, naging close na sya pati sa tatlong ito.

.

Pero biglang napansin ko si Dustin na tahimik lang at masama ang tingin sakin.

Anong problema ng isang to?

Tss. Tinotopak nanaman ata to.

Kaya di ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pakikipag usap kina Sean.

---------------------

Kringgg!!!

Hudyat na yan na tapos na pala ang lunch break at kelangan na naming pumasok sa kanya kanyang klase.

"Ahhh eh. Jared, Sean, Dark, Dustin. Una na ako sa inyo. May dadaanan pa kasi ako sa Library bago pumasok eh. Byieee!" Tuloy tayo ni Lily sabay alis.

Tss. Di man lang hinintay sagot ko? Boyfriend nya ko di ba? Malay nya gusto ko pala syang samahan?

.

BUT WAIT?

Jared ano bang naiisip mo?
Samahan bang? Bakit mo naman gagawin yun noh? Fake lang relationship nyo! Masyado ka nang nadadala! -_____-

Ano nga bang naiisipan ko?
Makapasok na nga. Baka antok lang to. Tutulog na lang ako habang klase.

"Bros una na ko." Sabi ko kay Sean at Dark.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Dustin eh.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

"Binalaan na kita dati. Hanggat maari, alam mong ayaw ko syang masaktan."

Nagulat ako sa biglang nagsalita mula sa kanto ng isang building na dinadaanan ko.

Si Dustin.

Tss.

"Alam ko. Pero hindi naman ikaw ang magdedesisyon nun. Maganda na ang laro namin. Wag kang magkakamaling sirain." Sagot ko.

May gusto ba sya kay Lily?

Or ano ba talagang kaugnayan nya kay Lily? Bakit super concern nya?

"Fine. Pero pag nasaktan sya, hindi mo na talaga ako mapipigilang mangialam. Tandaan mo yan." Seryoso sya nung sinabi yan at pagkatapos ay tumalikod at na at nagpatuloy maglakad patungo sa Building ng College nila.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon