Buong College life ko, ang goal ko lang ay maging invisible at makagraduate.
Una, maging invisible dahil pangit ako.
Oo. Tanggap ko. Di ako kagandahan kagaya ng karamihang nag aaral sa EMU.
At dahil ganun, pag nakikita nila ko, binubully lagi ako. Ako yung paborito nilang paglaruan. Dahil na rin sa mayaman sila at mahirap lang ako.
Ang unfair noh? Kelan pa naging batayan ang yaman para magkaron sila ng karapatang manakit ng ibang tao?
Hays. Kaso wala naman akong magagawa eh. Dukha nga lang kasi ako.
Kaya nga yung ikawala kong goal ay Makagraduate eh. Kasi pag nakagraduate na ko, di ko na kelangang pumasok sa school na ito. Sa wakas, makakatakas na ko sa mga bully na estudyante dito.
At syempre, magkakatrabaho na din ako at maiaahon ko na sa hirap ang pamilya ko.
Oh di ba?
Ang brilliant ng idea ko! Hihi.Of course, kahit madaming negative na nangyayari sakin, always positive pa rin ako.
Kasi nga, nakakapangit daw pag laging nakasimangot eh. Ayoko namang mas pumangit pa ko noh. Hihi.
-UgLily
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
De TodoHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...