Kabanata 17

13 1 3
                                    

Lily's POV

.

Monday nanaman at late na ko.
Gabi na kasi nung nakauwi ako kina Jared kagabi eh. Kaya napuyat ako.

Pero kahit late na ko, di ko maiwasang pakinggan yung nga bulungan ng mga tao.

"Siya ba yun?"

"Oo sya nga."

"Akala ko ba sobrang panget?"

"Naku, ngayon lang umayos ang itsura nyan."

"Pero di pa rin sila bagay."

"Kaya nga. Kadiri naman.

"Ginayuma nya siguro si Prince Jared."

"Kawawa naman ang ating Prinsipe. Paano kaya natin sya tutulungan?"

.

Pagpasok ko pa lang kasi ng gate ay puro bulungan na ang naririnig ko about samin ni Jared.

Shemay. Dahil nga pala sinabi ni Jared dun sa mga bruha nung friday na Girlfriend nya ko, panigurado kumalat na sa buong school yung balita.

Naku. Naku.

Yari nanaman ako.

Huhuhu. Tiyak iniisip nga nipang ginayuma ko si Jared kaya pinatulan nya ko despite ng kapangitan ko. T_T

Lalo nang magugulo yung school life ko. T_T

.

.

"Naku feeling ko pinaglalaruan lang sya ni Prince Jared. Mukha naman kasi syang Chaka Doll. Hindi sya ang type ng ating Prinsipe. Hahahahahaha."

T_T

Ansakit talaga nila magsalita.

At ayoko nang marinig pa ang mga panglalait nila kaya tumakbo na ko palayo sa kanila.

---------------------------

Lunch Break.

Hays. Anong gagawin ko?

Kalat na kalat na ang balita sa buong school about sa pagiging girlfriend ko ni Jared.

Naku. Naku. Baka dumugin ako ng fans nya sa Cafeteria. -_-

Saan ako ngayon pupunta?

Andito pa kasi ako ngayon sa room. Katutunog lang ng bell na hudyat ng Lunch break ngayong araw.

Kaso...
Dahil nga sa balita, di ko pa alam ang gagawin ko. T_T

Wag na lang kaya makakain?

.

Hays.

.

Umupo na lang ulit ako sa upuan ko. Pero maya maya...

"Ano pang ginagawa mo dyan? Tara na. Maglulunch na tayo."

.

Napatingin ako sa nagsalita.
Di ko napansin na andito pa din pala sya.
Pero anong sinasabi nya?
Maglalunch daw kami?

Si Prince Jared makakasabay ni Uglily maglunch dito sa EMU?

Is it real? Is it real?

"Ha? Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tanga ka ba talaga o ano? Kakain nga di ba? Tara na. Sa tambayan na namin tayo kumain kasabay nina Dustin."

"Eh bakit naman niyayaya mo ko? Yieehhh. Concern ka na pala sa akin ngayon." Panloloko ko sa kanya.

"What? In your dreams. Ang panget na tulad mo ay di dapat nangangarap ng ganyan. Niyayaya lang kita dahil alam na sa buong school na girlfriend kita. So kelangan panindigan nating dalawa ang pagpapanggap na to kundi baka makarating ang balita sa amin. At hindi pwede yun. Okay?"

Ahhh. Oo nga naman.
Mautak din talaga ang lalaking to.

Akala ko pa naman concern na sya na di ako kakain. Hihihi.

Mangarap ka pa Lily. Sige pa. Antanga tanga mo talaga.

Hays.

"Sige na nga. Tara na."

At tumayo na nga ako at nagsimula na kaming maglakad magkasama.

Pero ang bilis nya maglakad kaya nauuna sya sakin ng mga isang metro. Akala ko ba nagpapanggap syang boyfriend ko?

Tsk. May boyfriend bang di man lang mahintay yung girlfriend nya paglalakad?

Pero maya maya ay parang narinig nya yung iniisip ko.

Lumingon sya sakin at naglakad pabalik para makapantay ko.

At may ginawa lang naman syang bagay na kinagulat ko.

"Ang bagal mo naman maglakad. Hawakan ko na nga yang kamay mo."

*Dug. Dug. Dug.*

Biglang nagtriple times yung tibok ng puso ko nang hawakan nya yung kamay ko at sabayan akong maglakad.

Bakit ganito? Di naman ako tumatakbo pero parang hinihingal yung puso ko?

Jusko! Sana wala akong sakit. Wala kaming perang pampagamot. T_T

At nabalik ako sa katinuan nang muntikan na kong madapa dahil sa paglipad ng utak ko.

Parang nagslow motion ang lahat.
One minute nakatayo ako.
Then biglang ngayon ay mapapahiga na ko sa pagkakadulas ko.

Napapikit na lang ako.

1

2

3

Nagbibilang ako sa utak ko pero bakit antagal naman ata ng bagsak ko? Handa na kong mapahiya eh.

Pero pagmulat ko,
Ang napaka gandang mata lang naman ni Jared ang unang nakita ko sa ibabaw ko.

Yung pwesto namin ay parang yung pwesto ng mga nagboballroom dancing na magpartner kung saan sinalo ng lalaki ang mapapahigang babae.

Napangiti na lang ako kay Jared.

.

.

Buti na lang sinalo nya ko sa pagkahulog ko para di ako masaktan.

-----------------------

Read. Vote. Comment.

Di ko po sure kung makakapag update agad ako sa susunod.
Baka maging busy si Author eh.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon