Lily's POV
“Good Morning Class. Last year nyo na ngayon at gagraduate na din kayo sa wakas!" Sabi ng Professor namin.
“Yehey!"
Oo nga naman. 4th year na kami. Last year ko na at sa wakas! Matutupad ko na ang mga pangarap ko! Yipee!
“Pero Class, bago kayo makagraduate kelangan nyo munang matapos lahat ng requirements nyo. At pinakamahalaga dyan ay ang Thesis nyo." Pagpapatuloy ng aming Prof.
“Saddddd"
Syempre, nalungkot kaming lahat. Ang hirap kasing gumawa ng Thesis eh.
“Pero don't worry Class. May kasama kayo paggagawa ng Thesis nyo dahil magkakaron kayo ng partner. So magkakaron kayo ng Thesismate. Di ba masaya yun?"
Oh no. Sino kaya ang makakapartner ko? Sana naman wag isa dun sa mga sobrang bully kong Classmates.
Please God. Please. Wag po sila.
“Sana si Prince Jared ang makapartner ko." Sabi ni Jessica. Isa sa mga babaeng kaklase ko.
"Eh? Mas bagay kaming magkapartner noh!" Sabi naman ni Jaya. Isa din sa mga babae kong kaklase na patay na patay sa tinatawag nilang Prince.
Napatingin nga ako sa pinag uusapan nilang lalaki na nakaupo sa likod.
Yun ay ang kaklase namin na si Mark Jared Sandoval. Tinatawag syang prince dito sa EMU dahil sa taglay nitong kagwapuhan, yaman, talent at kung anu ano pa.
Magkaklase kami since 1st year college pero kahit minsan di ko pa sya nakausap ng totoong usapan.
Kasi nga...
Magkaiba ang aming mundo.
Pangit ako, Sya gwapo.
Pero...
hindi lang yun ang dahilan.
May angking kasamaan din kasi ng ugali ang lalaking yun. Kaya kung sakali mang maganda ako, di pa rin kami pwedeng magsama.
Dahil ayoko sa taong gaya nya.
Mapang api sya sa kapwa, mayabang, at kung anu ano pa. Grrr. Hindi porke gwapo sya ay may karapatan na syang maging masama.
Kaya God, wag din po sana sya ang makapartner ko. Ibigay nyo na lang po sya sa mga babaeng nagkandarapa sa kanya. Tiyak pag nagkasama kami, baka di namin matagalan ang isa't isa.
"So class, ito na yung list ng mga magkakapartner."
Naputol ang pagdadasal ko dahil sasabihin na ng Prof namin kung sino makakapartner namin.
Heto na ang oras ng paghatol.
Sanchez-Reyes
Garcia-Gutierrez
De Luna-Perez
Etc...
Nagpatuloy pa yung Prof namin sa pagbanggit ng mga pangalan. Antagal naman nya kong tawagin. Napayuko nalang ako at napapikit habang nagiintay. -_-
"Lavarez-Sandoval"
Ano daw? Lavarez at ano?
Sandoval?
Di ba si....
Si...
Si Mark Jared Sandoval yun ah?
Bigla akong napabalikwas at napatayo. Ngayon ko lang napansin na tahimik lahat at nakatingin sila sa akin at gulat na gulat gaya ko.
Oh no!
1...
2...
3...
"WHAT!?"
Halos sabay sabay yang sigaw ng mga babaeng patay na patay kay Jared.
"Ma'am! Bakit po ganun? Bakit yang pangit na yan ang kapartner ng aming Prinsipe?" Sabi ni Jessica.
"Napaka walang hustisya. Di sila pwedeng magsamang dalawa. Baka mahawahan nya pa ng kapangitan ang aming Prinsipe." Sabi naman ni Jaya.
Eh di sila na.
Sila na ang maganda. -_-Pero...
Ayoko din naman talagang makapartner yung Mark na yun ah.
Kaya aangal sana ako. Nagtaas ako ng kamay sabay sabing..
"Ma'am!"
"Ma'am!"Napatingin ako sa kasabay kong nagsalita.
Yun ay si Mark na nakakunot ang noo sa likod.
"Oh? Anong problema Miss Lavarez? Mr. Sandoval?" Tanong ng Prof namin.
Binalik ko na sa Prof namin ang aking tingin at nauna na kong magsalita.
"Ma'am pwede po kayang makipagpalit ng partner?" Ako.
"Ayoko syang makapartner." Mark.
Uuna na nga akong magsalita pero sumabay pa din ang lalaking to. -3-
Tapos walang keme keme. Talagang ayaw nya sakin? >_<
Tss. Ayaw ko din syang makapartner noh!
"Mr. Sandoval bakit naman ayaw mong makapartner si Ms. Lavarez?" Tanong ng aming Prof.
"Ma'am, Ayaw ko po ng kapartner na Pangit. Paano na lang kami gagawa ng magkasama kung di ko kayang tingnan yung pagmumukha nya?"
ANO DAW!!!
WHAT THE!!!
Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya. At pinandilatan ko sya ng mata.
Nag init na ang ulo ko. -_-
Ang yabang talaga ng lalaking to.Kaso, di nya ko pinapansin.
Aba! Ang kapal ng mukha ng lalaking to! Oo nga gwapo sya!
At oo pangit ako!
Pero di nanaman nya kelangan ipangalandakan pa! Grrrr!
"Well, kung yan lang naman ang reason mo Mr. Sandoval, magkapartner parin kayong dalawa ni Ms. Lavarez at bawal nang umangal. Mamaya ding hapon, magstart na kayong mag usap ng mga partners nyo ha. Goodbye Class!"
Sinabi yan dirediretso ng Prof namin at di na kami pinagsalita pa sabay umalis na.
Oh no!
So ibig sabihin nito...
Tumingin ako sa likod at nagkatinginan kami ng Thesismate ko.
Tsss.
Mukhang kelangan ko atang pagtyagaan ang kayabangan ng lalaking to alang alang sa paggraduate ko. -_-
Read. Vote. Comment!
Be a Fan.I'll really appreciate comments guys! Thanks in advance. :)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
De TodoHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...