Kabanata 14

12 1 1
                                    

Jared's POV

Mabuti naman at lahat ay umaayon sa plano ko.

.

Pero hay.
Kelangan ko pang samahan tong babaeng to pamimili ngayon ng damit para sa family dinner bukas.

Kaasar lang.

Wala pa kong ibang babaeng sinamahan pagsashopping sa buong buhay ko. Pero alang alang sa pagpapanggap namin, kelangan kong gawin to ngayon para sa babaeng to. -_-

Btw, andito na kami ngayon sa department store dito sa mall at dahil di naman marunong pumili ang babaeng to, ako na ang pumipili para sa kanya.

Kasi naman puro pangmanang ang kinukuha nya kanina. Alam ko panget sya pero kelangan ba naman pati sense of fashion nya panget din?

Kaya eto ako.
Ako na lang kukuha.

"Ah eh. Jared di ba bukas lang naman yung family dinner nyo? Bakit ang dami nyang damit na kinukinukuha mo?"

Hays. Di na nga sya nakakatulong, ang kulit pa. Tanong ng tanong.

"Pwede ba manahimik ka na lang muna? Sumasakit ang ulo ko sayo eh. Common sense. Hindi lang naman hanggang bukas ang pagpapanggap mo kaya kakailanganin mo to." Sabi ko.

Buti naman at nakinig sya.

Ang astig nga. Ewan ko ba kung talagang tanga sya o sadyang mabait lang. Kasi kahit ako ang humihingi ng tulong sa kanya para magpanggap, di sya nagagalit kahit minsan ang sungit ko sa kanya.

"Oh eto. Isukat mo na lahat ng mga to." Sabi ko sa kanya sabay punta namin sa may fitting room.

.

--------------------

After 2 hours...

Hays. Sa wakas. Natapos na din kami pamimili ng damit.

And kahit ang panget ng babaeng to, bagay naman sa katawan nya yung mga napili kong damit.

Actually, Mukha na nga syang tao.
Kaso wag mo nga lang titingnan ang mukha. Ganun.

.

.

Kaya next stop naman namin ay sa parlor.

Oo paaayusan ko man lang sya. Kasi hindi lang sina Mommy at Daddy ang makakakita sa kanya bukas. Pati sina Lolo at Lola. Kaya dapat maayos ayos man lang sya tingnan.

"Uhm Jared anong ginagawa natin dito?" Nasa parlor kami. So kelangan pa bang itanong kung anong gagawin namin dito? Wala atang common sense ang babaeng to eh.

"Tss. Alangan namang kumain tayo dito eh parlor to? So syempre magpapayos ka dito kaya tayo andito. Umupo ka na nga lang dyan at wag ka maingay."

"Good Afternoon Sir, what can we do for you?" Tanong sakin nung isang baklang staff paglapit samin.

"Sya ang girlfriend ko. Gusto ko pagandahin nyo sya." Sabi ko sabay turo kay Lily.

Tiningnan naman nya si Lily at nanlaki ang mata nya.

"Naku Sir, plastic surgery po ang kelangan nya." Biglang napaimik itong staff.

Grabe namang bakla ito.
Ang hard nya.

"Ano ba? Aayusan nyo ba ang girlfriend ko o aalis na lang kami dito at lilipat sa iba?"

Natigilan naman ang baklang to nung makitang inis na ko.

"Ah hehe. Joke lang Sir. Of course, mapapaganda namin si Ma'am. Wait ka lang dyan."

Mapapaganda daw?

Goodluck na lang sa kanila.
.

-------------------

After 1 and half hours...

"Sir, eto na po si Ma'am. Close your eyes then open itttt!"

Ang dami namang alam ng baklang to.

Pero tapos na daw kaya mabuti naman. Sa wakas tapos na pala kami dito.

Pero asan na ba si Lily?

Napalingon ako sa direksyon kung saan nakatingin yung bakla at...

.

.

.

Muntikan na kong malaglag sa upuan. Si Lily ba talaga yun?

Di ako makapaniwala sa unang tingin.

At palapit na sakin itong babae.

Siya ba talaga to?

Si Lily?

Parlor lang pala at magandang damit ang katapat nya.

Dahil...

.

.

.

.

.

Mukha na syang tao ngayon mula ulo hanggang paa.

--------------------

Read. Vote. Comment.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon