Kabanata 11

14 2 3
                                    

Lily's POV

Pagkababa namin ni Jared, dito kami nagpunta sa isang room na parang Library dito sa bahay nila.

Kasi syempre madaming books eh.

Pero bago ang lahat...

"Huy Jared, anong sinasabi mong girlfriend mo ko? Ha? Adik ka ba? Si Lily? Ang pangit at dukhang tulad ko, pinakilala mong girlfriend mo? Nabagok ka ba kanina sa byahe papunta dito? Ha?" Tanong ko kay Jared kasi naguguluhan talaga ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin ng seryoso at inexplain sakin lahat.

"Ganito kasi yun. Ang kulit kulit nina Mom and Dad about sa lovelife ko. Dahil alam nilang babaero ako, sila na mismo ang nagrereto sakin ng mga babae dahil gusto nilang magseryoso na ko sa babae. Kaya eto. Ipinakilala kitang girlfriend ko para tigilan na nila ko."

Ano daw? Di ko nagets eh.

"Kung kelangan mo lang pala ay ipapakilalang girlfriend na seseryosohin mo, bakit ako? Andami namang gustong maging girlfriend mo." Sabi ko.

"Nagegets mo ba ko? Pag kasi normal girls lang pinakilala ko sa kanila, di sila maniniwala and iisipin lang nilang isa lang nanaman ang babaeng yun sa laruan ko. Pero pag ikaw, dahil ehem. Dahil pangit ka, maniniwala silang seryoso ako dahil ibang iba ka sa lahat ng naging babae ko. Alam mo naman yung sabi sabi di ba? Pag pangit, true love yun."

Huwow. So advantage pala nya yung kapangitan ko.

"Pero bakit kasi kelangan mo pa magsinungaling? Magseryoso ka na kaya talaga sa babae."

"Wala pa kong nakikitang seseryosohin ko eh. Kaya please. Tulungan mo ko. Magpanggap kang girlfriend ko."

Wow. Si Mark Jared Sandoval?
Gumamit ng please habang kausap ako? Magugunaw na ba ang mundo?

Tapos nung hindi pa ko sumagot, bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"Dali na. Promise. Pag pumayag ka, makikicooperate na talaga ko paggagawa ng Thesis natin. Di ka na mahihirapan pamimilit sakin. Tyaka kahit hanggang sa makagraduate lang naman tayo yung pagpapanggap mo. Kaya pumayag ka na. Hindi din namab ganun kahirap magpanggap bilang girlfriend ng isang gwapong nilalang na tulad ko. Kaya tulungan mo na ko."

Naks. Talagang di pa rin mawala yung pagiging conceited nya.

Pero ang hirap naman.
Ayokong magsinungaling.
Kaso gusto ko din naman syang tulungan dahil parang desperado na talaga sya sa request nya.

At ang alam nga pala ng Mommy nya ay girlfriend na nga nya ako. So pag pumayag ako, itutuloy na lang namin to.

Pag hindi, kelangan naming mag explain sa Mommy nya.

Hays. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Sige na nga. Girlfriend mo na ko."

Sana di ko pagsisihan ang desisyong ito.

------------

Read. Vote. Comment.
Thank you for reading.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon