Lily's POV
"Ah hehe. Jared ano nga pala yung sasabihin mo sakin?"
Andito na kami sa tambayan nila pero parang nalimutan nya ata na may sasabihin sya kasi wala pa din syang sinasabi hanggang ngayon.
Pero pagkasabi ko nun ay bigla syang tumingin sakin.
"Oo nga pala. I'm just going to tell you na may pupuntahan tayo bukas."
"Ha? Bukas? Saturday bukas di ba?"
"Oo nga."
"Eh? Saan tayo pupunta?"
"Sa mall."
Antipid naman sumagot ng lalaking to. Pero wait, mall daw? Ibig sabihin ba nun niyayaya nya kong magdate?
"Madami akong mas importanteng kelangang gawin kesa makipagdate sayo noh." Pagkasabi ko nun ay medyo naguguluhan yung mukha nya.
"Date?" Tapos bigla syang papalapit sakin. Omeged. Anong gagawin nito sakin? Kaaalis lang nina Dustin kaya kaming dalawa lang dito. T_T
Napapikit na lang ako nung ang lapit na nya sakin. Pero maya maya pa ay...
"Aray! Bakit mo ko pinitik sa noo?" Tanong ko sa kanya. Ang sakit kaya.
"HAHAHAHAHA. Adik ka kasi. Akala mo naman yayayain kita magdate. Kahit pala panget, assumera din ano? HAHAHAHA."
Ay ang bad talaga ng lalaking to.
hanggang pag upo nya sa kabilang sofa ay tawang tawa pa din sya.Binato ko nga ng unan.
"Ouch. Hahahaha. Oh pikon ka na. Hahahah." Sabi nya.
"Che. Kung di pala date bukas, para saan pala ang pupuntahan natin?"
"Actually, isasama lang kita pagshoshopping."
"Shopping? Bakit naman? May katulong naman kayo di ba? Bakit kelangan ako pa ang achay mo bukas?"
"Hahahaha. Adik. Hindi ka achay bukas. Ikaw ang ipapamili ko ng mga gamit."
Huh? Ako?
"Bakit ako? Anong meron?"
"Kelangan mo kasi ng maayos na masusuot sa Sunday. Sabi kasi ni Mommy ay isama kita sa Family dinner namin kasi girlfriend kita remember? Ok na? Dyan ka na nga. Ang kulit mo. 1pm bukas ha."
Pagkasabi nya nun ay tuloy alis.
Sunday? Family dinner?
Omeged. Matetest nanaman pala sa Sunday ang Acting Skills ko.
T_T-------------------
Read. Vote. Commenttt. :)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
RandomHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...