Lily's POV
"Uhm malayo pa ba tayo? Bakit sa bahay nyo tayo gagawa? May naisip ka na ba sa Thesis natin?" Tanong ko kay Jared.
Andito kami ngayon sa sasakyan nya. Tulad nga ng sabi nya, dinaanan nya ko sa gate kanina and nakakotse pala sya. Papunta daw kami sa bahay nya.
"Don't worry malapit na at pwede ba hinay hinay sa pagtatanong. Ang kulit mo." Sabi nya na medyo nakangisi.
"Ah hehe. Sorry." Sagot ko.
Medyo ang creepy nitong lalaking to. Bigla kasi syang bumait. Well, hindi naman super bait pero di na nya ko ngayon masyadong tinatarayan gaya dati. Ano kayang meron?
Tapos maya maya pa ay pumasok ang sasakyan nya sa isang malaking gate. Sa loob ay tumigil ang sasakyan nya at nandoon ang napakalaking bahay niya.
Wow. Just wow.
Para akong nasa white house. Puti kasi ang bahay nila and ang laki. Super yaman pala talaga ng pamilya nya."O, bibig mo. Baka pasukan ng langaw. Pakitikom na. Hahaha."
Emeged. Nakanganga pala ko literal. Nakakahiya naman.
Masyado talaga kasi akong nagandahan. Compared kasi sa bahay namin, parang sampung bahay na namin to eh.
"Ah hehehe. Gravity. Ang yaman mo pala talaga."
"Yeah. Kaya nga madaming tao na habol lang sakin ay pera eh." Sabi nya na nakatingin sakin.
Aba. Anong ibig sabihin nya?
"Oy oy oy. Di ako isa dun noh. Maggagawa lang naman tayo ng thesis kaya ako nandito remember? Masaya naman pati ako sa kung anong meron ako noh."
"Huh? Wala naman akong sinabing mukha kang pera. Tara na nga sa loob."
--------------------------
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, mas napa-wow pa ko. Napaka engrande.
Malapalasyo. *_*Kaso bigla na lang...
*Blag. Pak. Bam.*
"Sh*t. Yan nanaman sila."
Nagulat ako sa sinabi ni Jared. Ano kaya yung mga tunog na yun na parang may nagbabatuhan ng kung anu ano?"Anong meron?" Tanong ko.
Yung mukha naman nya ay inis na inis na.
"Tss. My parents are fighting again. They're always like this. Wait here." Iniwanan nya ko saglit sa sala tapos nagpapunta sya sa stairwell at sumigaw.
"Mom, Dad, I want you to meet someone!" Hala. Nag-aaway na parents nya tapos aabalahin nya para lang ipakilala ako?
Pero rinig kaya sya? Ang ingay nila eh.
Pero maya maya may bumababa nang babae at lalaki sa hagdan.
Andun lang naman kami sa living room nag iintay."Son, you're here." Sabi ng Dad nya na kamukhang kamukha nya. Sa dad pala nagmana si Jared ng itsura nya.
"And who's this girl? Bago mo ba syang yaya?" Sabi naman nung Mom nya habang nakatingin sakin.
Mukha syang mataray. Sa Mom naman siguro si Jared nagmana ng katarayan nya. Grabiii naman sa yaya. Porke panget yaya agad? Nakauniform naman akong pang school eh. -3-
Tumingin muna sakin si Jared bago nagsalita.
"Mom, Dad, I want you to meet Lily. My Girlfriend." Sabay akbay sakin.
Wait. Anong sabi nya?
Girlfriend? Ako?
Shock na shock ako sa pagpapakilala sakin ni Jared.
Tapos tumingin ako sa parents nya.
"Girlfriend?" Pagkasabi ng Mom ni Jared nun ay nahimatay na sya.
---------------------
Read. Vote. Comment.
I would really appreciate it.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
AcakHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...