Kabanata 15

12 1 0
                                    

Lily's POV

"Inay nasa labasan na po si Jared. Aalis na po ako."

"Sige anak. Pero yang kaibigan mong yan, papuntahin mo dito satin mga minsan para makilala namin ha."

"Opo Inay. Bye po!"

Pagkapaalam ko sa nanay ko ay dali dali na kong lumabas dito sa eskinita namin at pinuntahan si Jared sa labasan.

Oo. Kilala sa bahay si Jared. Pero hindi pa talaga ito nakakapunta sa bahay ng personal.

Parang squatters area kasi dito sa may amin kahit di kami squatters eh. Tapos papasok pa sa isang eskinita bago makarating sa mismong bahay namin.

Kaya mapapapunta mo ba naman ang isang Mark Jared Sandoval sa ganung lugar?

Syempre hindi.

At hindi din alam sa bahay namin ang pagpapanggap kong girlfriend ni Jared. Ang alam lang ni Inay ay kaibigan ko sya.

At eto na ko sa labasan kung saan nag iintay si Jared sa kanyang sasakyan. Hanggang dito lang lagi itong lalaking ito tuwing susunduin nya ko o ihahatid gaya kahapon at ngayon.

.

"Jared!" Tawag ko sa kanya.

At muntikan nanaman akong matawa sa reaksyon nya.

Kasi gaya kahapon, parang di sya makapaniwala na ko to.

Kasi naman ang ganda ganda ng damit ko. Yung buhok kong parang pugad, natuwid na din. Yung kilay kong ang kapal, maayos na din. Yung mukha ko ini-facial pa nga kahapon eh.

Tapos pinamanicure at pedicure nya din ako kahapon. Grabe nga. Para lang sa pagpapanggap namin, gumastos pa talaga sya.

Syempre tumatanggi nga ako kahapon kaso ang tigas ng ulo nya eh.

Pero deep inside gusto kong magpasalamat sa kanya ng todo todo dahil ngayon, gaya nga ng sabi nya ay mukhang tao na ko! Yehey!

Tapos ginamit ko pa yung make up na binili din nya sakin kahapon. Naku. Kaya pati nga sa bahay muntikan na kong hindi makilala eh. Hehe.

One.

Two.

Three.

Aba. Tulala pa din sya sakin.

Ganun ba talaga kalaki ang pagbabago ng aking anyo?

*Snap*

Bigla syang natauhan nung nagsnap ako sa harap ng mata nya.

"Ay panget!" Sabi nya.

"Ay grabe ka naman. Kung kelan pa umayos yung mukha ko, tyaka mo pa ko tinawag na pangit."

"A-akala mo naman gumanda ka, wag ka na ngang umasa. Panget kapa din. Sakay ka na nga para makaalis na tayo."

Ganun ba talaga?
Tuwang tuwa pa man din ako kasi akala ko umayos ayos na yung itsura ko kaso hindi pa din pala.

Sumakay na lang ako ng sasakyan nya habang nakasimangot. Sayang lang naman pala kasi yung pinamili nya.

-_________-

At umalis na nga kami papunta sa bahay nila kung saan gaganapin ang family dinner nila.

Hays. Nakakalungkot talaga.

At dahil di ako nagsasalita, narealize kong ang tahimik pala naming dalawa habang byahe.

Mabuhay nga yung radyo nya.
Somehow close na kaming dalawa kaya nagagawa ko nang mangialam ng gamit nya.

*Radio On*

~Her eyes, her eyes
Made the stars look like they're not shining.
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying.
She's so beautiful and I tell her everyday...~

"Andito na tayo."

Ay tokwa. Nakakagulat naman to si Jared bigla biglang nagsasalita.

Pero andito na nga pala kami sa garahe ng bahay nila. Masyado ata akong naabsorb nung kanta kaya di ko napansin.

Bababa na sana ako kasi di naman ako pagbubuksan ng pinto ng masungit na to.

Pero...

Bigla nya kong pinigilan at sinabing...

"Wag ka nang sumimangot dyan. Oo na. Maganda ka na ngayon."

.

.

.

.

.

Ano daw? Medyo nabingi ata ako.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

Sya naman ang sumimangot ngayon.

"Walang ulitan sa bingi. Bilis na nga. Bumaba ka na. Ang dami mo pang satsat eh."

.

^_____^

Ang totoo narinig ko naman.
Di lang ako makapaniwala sa sinabi nya. Hihi.

Kinilig naman ako dun secretly. ^________^

------------------------

Read. Vote. Comment.

Ang Prinsipe at Ang Dukha: ThesismateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon