Jared's POV
What the F*ck!
Yung pangit na nakakadiring babaeng yun?
Kapartner ko paggagawa ng thesis? Magugunaw na ba ang mundo?
Ang gwapong si Mark Jared Sandoval gagawa ng Thesis kasama yung pangit na yun?
This is really insane!
Napasabunot ako sa ulo ko.
Ano bang naisip ng Professor na yun at bakit ang pangit na yun pa ang ginawang kapartner ko? Pasaway na Professor! -_-
"Oh Jared? Bakit bad mood ka bro?" Sabi ni Sean na kadadating lang dito sa aming tambayan.
"Nakakabwisit yung Professor namin! Ipartner ba naman ako kay UgLily sa Thesis namin!"
"HUWAT? UgLily as in yung pinakapangit at pinakamahirap dito sa EMU?" Kung makaHUWAT naman sya parang bakla. -_-
"Yes. Sya lang naman ang UgLily dito sa University eh. Meron pa pang iba?" Sagot ko.
Pagkasabi ko, nagulat naman ako sa kanya kasi nag iyak iyakan na ang gago.
"Huhuhuhu. Bro, nakikiramay ako sayo. Masasayang na nga ang oras mo paggagawa ng Thesis nyo, tapos kelangan mo pang tiisin yung mukha nung kapartner mo. Condolence Bro." Umaakto syang nagpupunas ng luha.
Ang baliw. Batukan ko nga.
"Aray! Bakit mo naman ako binatukan? Dinadamayan ka na nga eh!" Sagot nya habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Eh sa halip na makatulong ka, nakakaloko ka lang eh. Bugbugin kaya kita dyan?" Pabirong tanong ko sa kanya.
"Eh di tara! Bugbugan na lang tayong dalawa. Haha." Sagot naman nya habang tumatawa.
"Ooops. Ano naman ang pinaglalandian nyong dalawa?" Tanong naman yan ng kadadating lang na si Dark.
"Anong pinaglalandian naming dalawa? Wala. Pero anong nakakabaliw? Madami! Makapatner ko ba naman sa Thesis namin si UgLily." Sabi ko sa kanya.
Naging seryoso ang mukha nya. Naiimagine nya siguro kung gaano kahirap ang dadanasin ko.
Pero biglang...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"
WHAT THE!
Isa pa ding malakas ang tama ng isang to ah. Bakit sya natawa?
"Anong tinatawa tawa mo dyan Dark? Nababaliw ka na din ba?" Tanong sa kanya ni Sean?
"Hahahaha. Nakakatawa lang kasi. Nagsisimula na ang Karma ni Jared dahil sa kanyang pambababae. Hahahaha." Sagot ni Dark.
Aba. Hayerp.
Ako pa daw ang makakarma. Eh mas babaero pa nga sya sakin eh."ULOL. Kung may makakarma sa pambababae, mauna ka dapat. Mas malala ka kaya sakin!" Sabi ko.
"Pero at least, mas mabait ako kesa sayo sa mga babae. Di mo ko katulad na ang sungit sungit. Hahaha." Sabi pa nya.
"Ewan ko nga sa inyo. Di kayo nakakatulong. Asan na si Dustin?" Tanong ko.
Si Dustin ay isa pa sa mga kaibigan ko. Ako, si Sean, Dark at Dustin, ang grupo naming apat ang tinatawag ng mga estudyante dito sa EMU na Prince.
Yun ay dahil kaming apat ang pinakagwapo, pinakamayayaman, at pinakasikat na estudyante sa dito University.
"Ewan dun. Alam mo naman yun. Mahilig magpalaboy laboy. Hahaha." Sabi ni Sean.
"Bro, iinom na lang natin yan. Wag ka nang magsenti." Sabi pa ni Dark sabay akbay sakin.
Tsss. Hindi talaga makausap ng matino ang mga to. -_-
Read. Vote. Comment! :)
Thanks! :)
Comment sa gusto magpadedicate. :)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe at Ang Dukha: Thesismate
RastgeleHello Readers! Ang kwentong ito ay kwento ng isang mayaman na napakagwapong binata at isang mahirap na pangit na dalaga. Magkaklase sila sa EastMore University buong College. Pero kahit ganun ay parang napakalayo nila sa isa't isa dahil na rin sa so...