Chapter 22

3.2K 31 4
                                    

(3rd Person's POV)

Mga alas nuwebe na ng gabi nakauwi si Stephanie sa kanilang tirahan. Swerte neto at hindi siya naunahan ng mga nakakatanda niyang kapatid kung hindi, ay malamang may panibagong gulo nanamang manyayare at puro sermon at away lang ang maririnig na ingay sa kanilang bahay.

Ng makapasok ito sa loob ng bahay nila ay agad bumungad sa kanya si Manang na nag aalala ng sobra kay Stephanie dahil hindi sinabi ng dalaga na gagabihin ito.

"Ija?! Saan ka ba nang galing at ngayon ka lang ?! Pinagalala mo kami ! Hindi ko man lang macontact sina Skye at Sedrick at akala ko naman kasama mo sila ?! Saan ka ba nang galing ija? At nasaan ang mga kapatid mo ? Akala ko naman kung ano ng nanyari sa inyo !"

Dirediretsong sabi ni Manang kay Stephanie na nasa pintuan palang ng kanilang bahay.

Agad namang napaisip si Stephanie, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil di naman pwedeng sabihin dito na kasama niya si Xavier na nobyo niya na kinabilin bilinan sa kanya ng mga kapatid niya na layuan.

'Paano ko ba to lulusutan?? Patay talaga ako kayna Kuya Skye at Sedrick kapag nalaman nila to..' Tanung ni Stephanie sa kanyang isipan

"Ah kasi po Manang ah-- ganito kasi yon, a-ano kasi -" naputol naman ang sasabihin ni Stephanie ng biglang may nagsalitang lalaki sa likuran niya

"Kasama ko po kasi si Ate sa laban ng Varisity namin Manang. Nagpumilit po kasing manood si Ate sa napakagwapo at magaling na Champion na bunsong kapatid niya! Haha" sabi ni Seth. Ang bunso sa kanilang apat.

"Champion kayo?! A-ang ibig kong sabihin, ano! Tama! Nanalo sila kanina Manang! Ang gandang laban " naiilang na sagot ni Stephanie kay Manang

"Ganun ba? Edi magkasabay kayong umuwi ngayon? Eh nasaan naman sina Skye at Sedrick?" tanung ni Manang. Halata namang nay bahid ng pagtataka sa muhka nito dahil sa inaakto ni Stephanie ngunit hindi na ito nagaba pang magpumilit malamang ang katotohanan

"May emergency daw po sa kumpanya Manang. Tumawag po kasi sina Dad kay Kuya Skye si Kuya Sedrick naman sumunod para makatulong. Gagabihin daw po sila kaya po siguro di niyo sila macontact kasi pinatay ang phone para maayos nila yung problema ng walang istorbo" pagpapaliwanag ni Stephanie na muhkang iknahinahon naman ng matanda.

"Ahh.. Osige, mag hahanda ako ng pagkain para makapag hapunan na kayong dalawa" sabi ni Manang

"Salamat Manang! Pasensya na sa pag papa alala. Aakyat na po muna ako" sabi ng dalaga at tumingin naman siya sa nakababatang kapatid na parang nag sesenyas na sumunod-ka-sa-kin.

"Osige! Para makapag pahinga narin kayo" at umalis na ang matanda papuntang kusina.

Ang magkapatid naman ay umakyat papuntang library imbis sa mga sarili nilang kwarto .

'bakit niya ako pinagtakpan?' tanung ni Stephanie sa kanyang sarili. Hindi naman sa ayaw niyang pagtakpan siya ng kapatid niya, pero nakakapagtaka lang.

At ng makapasok na sila sa Library ng kaninalang bahay ay agad namang umupo ang dalawa sa magkaharap na silya na pinagigitnaan ng isang mahabang lamesa.

(Steph'a POV)

Nakakapagtaka lang at naisipan akong pag takpan ni Seth. Oo, ayos yon! Pero bakit naman? Laging pumapanig si Seth kayna Kuya Skye at Kuya Sedrick. Magkakasing ugali silang tatlo pag dating sakin. Di hamak na mga overprotective dahil ako kamo ang nagiisang babaeng kapatid nila. Obligasyon daw nilang protektahan ako.

Secretly Married : NERD BECOMES CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon