Chapter 3

4.4K 36 2
                                    

(Steph's POV)

Habang basa byahe ay di ko mapigilan ang mapaisip. Ano kayang pangalan niya? Yung kasama kanina nung Christof?

Ewan ko ba kung bat curious na curious ako. But he really caught my attention. Parang kasing ang lakas ng dating niya sakin.

Charisma? Appeal? Charms? Wait? Diba parang pareparehas lang yun? 

I shook my head while I felt a flutter in my stomach. Ugh don't tell me I have a crush?!

Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng mansyon namin. Finally, I'm home!

Ito lang talaga ang lugar kung saan masaya ako! Pero mas masaya kung kumpleto kaming lahat dito.. Kami lang ni Seth at yung mga staff namin ang nakatira dito eh. I am very thankful for all that they do, but I wish we had everyone in our family here. 

Pagpasok ko ay sa kusina na agad ako dumiretso. I love food! I especially love my metabolism at kahit anong kain ko di ako tumataba

Nagpaluto ako ng spam  and eggs sa isa sa mga kasambahay namin. I know it's a breakfast staple but I love eating spam and eggs any time of the day! Lalo na kapag yung sunny side eggs ay merong halong chili oil. 

While waiting ay umakyat na ako ng kwarto at tinanggal ko ang glasses ko.

Kahit naman kasi di ako magsuot ng glasses malinaw paren tong mga mata ko. Reading lang naman yun. Sadyang nakasanayan ko lang na isuot. Ayaw ko kasi yung mayat maya tatanggalin mo tapos hahanapin mo. Baka mamaya mawala diba ?

Nagbihis na ko ng pangbahay at itinali sa bun ang buhok ko. Nakapajama lang ren ako at nagsuot ng napaka luwang na tshirt at bago isinuot ule ang glasses ko.

Tumingin ako sa salamin. Minsan di ko maiwasan yung magtanung kung bakit ba ako ganito. Walang wala talaga akong interes mag ayos katulad ni Mama. Gusto ko yung kumportable at simple lang.

Pero iba ang simple sakin eh. Ang losyang kong pumorma. Walang kaarte arte sa katawan. Mahilig sa maluluwang na t-shirt - yung plain pa! Sometimes I wish I knew how to dress up pero.. wala eh! To me, it feels like a lot of effort to learn. 

I took a deep breath while looking at myself and shrugged before I left. 

Kinuha ko ang tablet ko at nag check ng naiilang recipes. As I said, I love food! And syempre para nadin sa class na kinukuha ko. The nutrition class I took have labs that involves cooking so, gusto ko mag research ahead ng mga well balanced recipes or alternatives na baka pwede gawin at lab. 

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag reresearch ay nakairnig ako ng katok sa pintuan. It must be my food!

"Ms. Stephanie? Dala ko na po ang pagkain niyo." magalang na sabi ng kasambahay sa labas ng kwarto ko.

"Manang pasok kayo!" sabi ko at kasabay naman non ang pagpasok ng kasambahay namin. Ugh the smell is making me hungrier!

"Pakilagay nalang sa study table ko po" sabi ko sabay bangon sa kama 

Malawak din naman kasi tong kwarto ko. May sariling living room at study room. May banyo ren, balcony at syempre yung mismong bed room mismo. Walang pintuan na nag hihiwahiway sa mga section na yun. It's an open space divided by arch entries.

May walk in closet ako. Syempre may pintuan na yun. Ang problema, ni isa sa mga damit doon di ko ginagamit.

Si Mommy namimili non and they're all pretty fashionable, but I don't have the confidence to wear them. I have designer brands na kinokolekta din ni mommy for me but I feel that they're too expensive for me to wear! Mga nagtataasang sandals, boots, a variety of sneakers. May mga party, formal or night dresses na nasasayang lang sa loob ng closet. 

Secretly Married : NERD BECOMES CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon