Chapter Two
Wrong Love
"Lahat ng tapos na ay pwede nang isubmit ang kanilang mga papel," I heard our lecturer announced in the front. Huminga ako ng malalim at tumingin sa aking papel, I'm all finished, ichecheck ko nalang ang mga sagot ko.
Tumayo na ako agad matapos icheck ang mga sagot ko, I'm aiming for an Uno to this subject so I should probably work my ass off to get what I'm aiming. Hindi naman masyadong mahirap ang course na ito, I will surely get an uno if I will not fail this exam and the other exam. Medyo late na kasi kami rito kaya pangatlong long exam palang namin ito.
The lecturer smiled at me when I submitted my paper, he must have known me. I top notched the past 2 exams here kaya siguro ay kilala niya ako sa muhka. Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang aking bag para makalabas na.
I licked my lips as I find myself sitting on one of the benches outside the lecture hall. I fished for my phone habang inilalagay ang isang tikwas ng buhok sa likod ng aking tainga. This is my last class for today, mag aala-singko y media na pero ayoko pa umuwi.
I don't know why but if I'll go home now ay magisa lang ako sa dorm, I hate being alone now. It feels like the whole world left me and I'm alone, longing for a companion or even love...
It doesn't feel right, though. I did not ever long for some love from the others. I did not beg for it, I let it come to me. And I let it go that easily. Siguro ganito naman talaga ito, ang pagibig... makakamit mo ito pero kailangan mo ring pakawalan kalaunan. You don't own any love in this world, Love owns you... manipulates you...
Walang kahit anumang message sa aking inbox, bigla akong nalungkot. Dapat ay sanay na ako sa ganito, 'di ba? I survived three months with empty inbox! Bakit ngayon pa ako magdadrama?
Bumuntong hininga ako, sino naman ang itetext ko? Si Andrew? May klase pa iyon ngayon, sigurado! I cannot text nor call Zea right now dahil may exam din siya ngayon katulad ko. I sighed again as I put back my phone to my bag.
Dati ay wala lang sa akin ang magisa, it feels normal. Pero bakit ngayon... ramdam ko ang kirot sa puso ko. Maybe I made myself too dependent on him, kaya ngayon ako ang nagdudusa.
"Nood tayo ng practice!" I heard the girl said while sitting down on the other bench beside me. I pursed my lips and looked at their way, the other girl scratched the back of her head.
"Hala... ano naman ang papanoorin natin doon? Practice lang naman iyon eh, sa game nalang mismo!" sabi pa neto, umiling ang kasama niya.
"Bakit ba ayaw mo? May exam ka ba bukas?" tanong neto at marahang umiling ang isa.
"Wala naman...." sabi noong babae, umiwas ako ng tingin nang mapagawi ang tingin niya sa akin. I'm eavesdropping for pete's sakes! Sobrang wala na akong magawa sa buhay ko at pati pakikinig ng ibang usapan ay pinapatos ko na!
"Oh yun naman pala eh! Dali na! Tara na sa F park!" sabi noong isang babae at muhkang hinihila na ang kamay ng kanyang kasama. Bakit ba niya pinipilit ang kasama niya? Ayaw nga eh! Dapat irespeto niya iyon! Kapag ayaw ay ayaw! Shit, bakit ba ako nakikialam sa kanila?
Now, I remembered Zea on the girl who is mapilit at ako ang isang babae na ayaw pumunta. I remembered the Feb fair scene, sana ay hindi nalang ako nagpadala sa pamimilit niya, 'no? I should be happy now... not this, or whatever. Kahit hindi man ako lumabas noon ay maghihiwalay at maghihiwalay pa rin naman kami. Our break up is inevitable.
"Bakit ba gustong gusto mong manood? Malapit na matapos ang sem, malapit na rin magsimula ang liga nila. Hindi ba pwede nating hintayin iyon?" medyo tumaas na ang boses noong babae. Nilaro ko ang dulo ng aking buhok habang pinapakinggan pa ang paguusap nila. Muhkang magbest friends naman sila kaya okay lang ang pamimilit, that's very usual scene to my friendship with Zea.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Teen FictionHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...