Chapter Twenty-Eight
Bad Dream
Niyugyog ko ang magkabilang balikat ni Zea, she groaned but I still continued what I'm doing. Lalong lumakas ang kanyang pag-ungol at hinawi pa ang aking mga kamay.
Halos mapasapo ako ng aking noo habang tinitingnan ang tulog na tulog niyang muhka. Her lips are slightly parted, wala namang laway na lumalabas. Ang pangit lang talaga niya pag natutulog!
Malelate na siya!
Malelate na rin ako!
Kung buhusan ko kaya ito ng tubig?
Napakamot nalang ako ng aking batok. She really needs to wake up! Malapit na mag alas onse y media! Parehas kaming may pasok ng 11, ang pinagkaiba lang ay building at subject na dadaluhan. I'm all dressed up, fresh from the bath while Zea is still in her little deep dream.
Bumuga ako ng hangin at niyugyog ko ulit ang kanyang balikat. Bumukas na ang kanyang mga mata kaya tumigil ako. I can even see her morning glories, lumayo na ako sa kanyang kama. Ang talim ng kanyang tingin sa akin, her eyes were red marahil bagong gising lang talaga.
"Malelate ka na," sabi ko habang pabalik ng aking monobloc. I heard her irritated groan. Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang phone ko.
"Bilisan mo kung gusto mo sumabay sa akin, kung hindi ka pa gagalaw ay mauuna na ako. I won't wait for you, Zea Isabelle."
I glanced at her, still sitting on her own bed with her messy hair and morning face. Halatang halata ang pagkairita sa kanyang muhka, tinaasan ko siya ng kilay at umiwas siya ng tingin. I watched carefully, guessing what would be her next move. I sighed in relief when she finally gets out of her bed.
Padabog niyang binuksan ang kanyang cabinet. Mabuti nalangay wala na dito sila Ate Rain at Ate Gelay. Zea is being brat again, obviously.
Pero hindi siya makaarte dahil may exam siya ngayon sa subject na papasukan niya. It's her first long exam and she can't just ditch it dahil lang puyat siya at gusto pa niyang matulog.
Lahat naman kami puyat dahil may sari-sarili din kaming exam, subukan lang niya ako artehan ngayon talagang iiwan ko siya!
Padabog niyang isinarado ang kanyang cabinet. Umayos ako ng upo at pinanliitan siya ng mata, nako talaga! Try me, Zea Isabelle, hindi lang ikaw ang nagpuyat dito!
Hinarap niya ako, her faces screams bad vibes. Para bang gusto niya sunugin ang buong mundo. I don't know with her, but she became this lately. Broody and damn moody. Siguro ay malapit na ang time of the month niya kaya ganito.
"You can go first, hindi mo na ako kailangan antayin pa," she snapped and turned her back at me.I creased my forehead with what she did, umangat ang sulok ng aking labi habang sinusundan siya ng tingin papalabas ng kwarto namin. Napaismid ako, Okay fine!
I rose on my feet and grabbed my bag, siya lang naman ang nagpapadelay sa akin eh! If it was not her ay sana kanina pa ako nasa lecture hall namin! Huli kong kinuha ang phone ko. Narinig ko ang pagsara ng CR at napabuntong hininga ako.
Not all the time I'll understand her mood swings. Pasalamat nga siya ay napagtitiyagaan ko pa ang kanyang ugali! Kung iba ang kanyang bestfriend ay malamang matagal na silang FO!
Hinawi ko ang aking buhok at padabog ding sinara ang pinto ng dorm, bahala na siya diyan! Kulang rin ako sa tulog at major subject pa ang exam ko mamayang hapon pero hindi naman ako nagiinarte at nagdadabog. Samantalang siya ay elective lamang ang exam niya mamaya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya sa akin dahil ginising ko pa siya!
BINABASA MO ANG
How To Forget
Teen FictionHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...