Chapter Three
Kape
"Ayoko na! Ayoko na!" pagmamaktol ni Zea, napangisi nalang ako habang tinitingnan siya. Kahit ano naman ang sabihin niya o kahit ano pa ang ipagmamaktol niya ay papasok at papasok din naman siya sa exam niya ngayon. As if she'll miss one exam! She's just being like this dahil pito ang exam niya ngayong week.
She survived the two exams yesterday though, kaya hindi ko gets ang pag tantrums niya ngayon. It's still Tuesday! Draining man ang mga exams ay dapat 'di ganyan ang mentality, this is not Zea's breakdown, kaartehan niya lang ang lahat na ito.
"Naku, beh! Laban lang!" rinig kong sabi ni Ate Gelay kay Zea, she even held her fist up in the air.
"Oo nga, Zea. Mabuti nga ay hindi puro Math ang subjects mo..." sabi ni Ate Rain at napangiti ako. Umayos ako ng upo at tumango.
"Oo nga, mabuti din na hindi puro science related ang subjects mo!" sabi ko pa at umirap si Zea sa amin.
"E 'di kayo na! Ayoko na talaga!" umiling nalang ako, nakita ko rin ang pagiling ni Ate Gelay at Ate Rain.
"Hay nako, beh, Tuesday na oh! Kung kailan naman matatapos na saka ka naman maggaganyan," Ate Gelay said at napangiti ako. Sumimangot si Zea.
"Iyon nga! Tuesday palang! May lima pa akong exam na haharapin!" she wailed.
Tumayo na ako mula sa kama ko at kinuha ang suklay mula sa kanyang kamay.
"'Wag nang umarte, isipin mo nalang yung Europe trip mo kaysa magmaktol ng ganyan. Tumayo ka na diyan at tapusin yung exam mo, C'mon!" tinapik tapik ko ang kanyang balikat. Hinawi niya ang kamay ko at binawi ang suklay mula sa aking hawak. What a brat!
"Aba! Sosyal! Ako nga eh, Pampanga nga lang ang babaksyunan ko pero gustong gusto ko nang tapusin lahat ng exams ko!" Ate Gelay joked at natawa ako. Inayos ko na ang bag ko habang pinapakinggan pa ang mga sinasabi ni Ate Gelay.
"Zea, sa susunod isama mo ako sa mga trip mo ha?" natawa ako.
"Sige, Ate. Isasama kita tapos sagot mo yung ticket mo pati na rin pocket money," sagot ni Zea at humagalpak na ako ng tawa dahil sa muhka ni Ate Gelay.
"Shet, hindi na pala! Pampanga na nga lang pupuntahan ko, 'di ba? Di ba?" aniya at napangisi ako.
Tumayo na si Zea at isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat. Gano'n na din ang ginawa ko. Mayroon pa kaming exam na dalawa!
"Bye!" paalam ko sa kanila at hinila na ni Zea ang braso ko papalabas ng dorm. Now, she's in a hurry! Kakaunti nalang talaga ay masaabunutan ko na ito! Kani-kanina lang ay sinasabi niya ayaw niyang pumasok pero ngayon ay halos kaladkarin na niya ako sa paglalakad.
"Zea! Stop pulling me! May sarili akong paa!" asik ko at marahas na tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso. Sobrang bigat talaga ng kamay neto! Her hand made a mark on my arm! Pulang pula ang bahagi ng braso ko na hinawakan niya kanina!
Akala ko ay magkaiba ang friendship namin ni Zea kila Ate Rain at Ate Gelay pero hindi pala! Magkaparehas lang! Ako lagi ang nasasaktan!
"Bilisan mo! Malelate na tayo! May exam pa tayo!" aniya at pinanlakihan pa ako ng mata. I rolled my eyes at her, siya nga itong nagiinarte kanina! Sabunutan ko siya diyan e!
Tumawid na kami at hinawi ko ang buhok ko dahil umihip ang malakas na hangin. Ramdam ko ang pawis na nasa aking leeg. Wala pang alas dose ay ang init init na! Inilabas ko ang aking payong at tinabihan si Zea.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Teen FictionHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...