Chapter Sixteen

1K 38 4
                                    

Chapter Sixteen

Taking Back


Nakatingin lamang ako sa kanya, his eyes are on me, too. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman, hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin pabalik at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.

I can't even find my voice! I can't even feel something, heck, I can't even move!

Pakiramdam ko ay tumigil na rin ako sa paghinga. His voice replayed inside me head.

Happy Birthday, Baby

He greeted me. He called me baby once again.

What the hell?

I jumped and got back to reality when his big hands held both of my shoulders, papalapit na rin ang kanyang muhka sa akin. I just blinked and did nothing, wala na ang ngisi na nasa kanyang labi kanina. Sa labi nalang niya ako tumingin. Hindi ko kaya kung tititigan ko pa ang kanyang mga mata.

It shouts everything that I dreamed, everything that my hopeful soul dreamed.

Naglakas loob ako at tiningnan ang kanyang buong muhka, tinitigan ko pa siya lalo. Ang kanyang kilay, ang mahahabang pilik mata, ang kanyang pulang-pula na labi.

How can this human exist in this universe? It seems unfair to those who weren't even blessed with beautiful features while this man, standing right infront of me, can be an epitome of perfection that exists in this world.

My eyes widened when his face gets closer and closer to mine, my breath hitched when the tip of our noses touched, I bit my lower lip. My mind can't process anything, damn it!

"Happy birthday, Kaia Elizabeth Fonacier." sabi pa niya.

His mint breath made its way to my nose. Halos maduling na ako dahil hindi ko alam kung saan ako titingin, sa kanyang labi ba o sa ilong naming nagtatama na o sa kanyang napakagandang mga mata...

I closed my eyes as I feel him, as I feel my Xavier.

Nanalamig ako nang bigla siyang lumayo, hindi ko na naramdaman ang kanyang ilong sa akin, I immediately opened my eyes. Bakit ganun? Bakit parang may naramdaman akong puwang sa loob ko? Hindi dapat ganito, 'di ba?

Fuck...

He's now inches away from me, parang kanina lang ay magkadikit pa ang aming mga ilong. Libo-libong kurot kaagad ang naramdaman ko sa aking puso, why am I thinking this way? Nakalapit lang siya sa akin ay ganito na agad ang pinagiisip ko!

He smiled slightly, his adam's apple moved. My lips almost quivered when I saw something on his eyes, I saw pain.

Biglang sumikip ulit ang aking dibdib, bakit ganito?

Bakit ba kami nasasaktan?

I heard him cleared his throat, "Pumasok ka na," sabi niya, paos ang kanyang boses. Mahina akong suminghap nang mapagtanto ang lahat, I stepped back and tried to smile, even it feels like my lips are tearing apart.

"Goodnight," nanginginig kong sabi at ipinakita niya sa akin ang kanyang matamis na ngiti. My body almost shook when his cheeks reached its peak. Kay tagal ko na ring hindi nakita iyon...

"Goodnight," aniya at tumango na ako saka tumalikod.

Humampas ang puso ko nang alalahanin ang lahat, my hands are shaking as I fished for my keys on my pocket. Mali pa ang una kong tiningnan dahil nasa kabilang bulsa ko inilagay ang aking susi.

How To ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon