Chapter Five
Bullshits
"Tapos na?" I heard my best friend asked and I shut my eyes tightly, I massaged my nose bridge.
"Yup, finally...." mahina kong sagot.
"Let's celebrate!" she excitedly said at halos mapangiwi ako sa kanyang sinabi. Mabuti pa siya wala nang alalahanin! Ako meron pa! Kung meron pa siyang exam bukas ay hindi ito magaayaya ng ganito pero wala na! What a lucky brat she is, really...
"Zea, I still have an exam tomorrow and the day after tomorrow..."
Umayos ako ng tayo para makaalis na rito sa Bio Sci. I want to sleep, no! I want to eat! Pero ramdam ko na ang antok sa laylayan ng aking mga mata, darn it!
"Ano ba iyan! Nasaan ka na ngayon?" sus! Palibahasa ay wala na siyang exam bukas! Kung meron pa itong exam bukas ay ngangawa ngawa na naman ito katulad noong Martes!
"Still at Bio Sci, nahihilo ako e. I think I really need to sleep first pero nagugutom na din ako," sabi ko at nagsimula nang maglakad. Kakatapos ko lang magexam at halos nayanig ng questionnaires ang utak ko. Nakakadrained!
"Oh my God, friend! Baka buntis ka! Shit, kailangan ko nang tawagan si Xavier—" hindi ko na siya pinatapos, kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi niya, goodness!
"Zea, tumigil ka nga!" asar kong sabi.
Kapag nahihilo ay buntis kaagad, Hindi ba pwedeng masakit ang ulo? May sakit? Anemic? Why do we have this crooked perception if one woman is dizzy, she maybe pregnant, like what the hell?
And holy shit! Xavier and I never did anything... like that! My goodness!
"Nasaan ka ba? Nasa dorm ka na ba?" tanong ko habang pababa ng steps.
I groaned when the scorching feeling met my skin because of the sunlight. Dali dali kong binuksan ang bag ko gamit ang isang kamay para hanapin ang payong ko, I muttered a curse when I was struggling to get it.
Nagulat ako nang biglang hindi ko naramdaman ang init ng araw at may tao na nasa tabi ko. The manly scent immediately filled my nose, agad tumagilid ang ulo ko para tingnan kung sino ito. Napahinga ako ng maluwag nang makita ang muhka ni Louis. I zipped my bag to close it, napatingala ako sa payong niya at napangiti.
"Thanks!" sabi ko at ngumiti siya.
"Ha? Anong thanks!?" napipitlag ako nang marinig ko ang boses ni Zea, oo nga pala, kausap ko pa siya!
"Ibaba ko na 'tong tawag, naglalakad na ako pauwi diyan," I said and ended the call.
Bumaling ako kay Louis at ngumuso rito.
"Mayroon akong payong," mahinahon kong sabi at ngumiti lang siya.
"Pauwi ka na ba? Okay lang 'yan, makisabay ka nalang sakin!" he said cooly at nagsimula na kaming maglakad para tumawid.
"Kakagaling mong klase?" rinig kong tanong niya, I pursed my lips and shook my head.
"Exam," I grunted and I heard him chuckled.
"Anong subject?" inilagay ko ang phone ko sa bulsa at inayos ang aking buhok. Medyo naningkit ang mata ko dahil sa init na tumatagos mula sa manipis na payong ni Louis.
"Zoo 3," I simply answered.
"Oh, kahayupan..." aniya at tumawa ako.
"Yes! Nakakastress 'yung exam though. Akala ko ibibigay nalang ng lecturer iyon sa'min pero hinirapan pa niya talaga!" himutok ko ng paraang bata.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Genç KurguHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...