Chapter Twelve
Show
I combed my hair completely and put the face towel down on the table, I glanced at Zea who is still sleeping dearly with her very soft and fluffy pillow. Bumuga ako ng hangin at kinuha ang phone ko para icheck ang oras. We have 10 am class today at mag 9:30 na pero hindi pa siya nagigising!
Now this is what I'm talking about!
Wednesday palang ay ganito na siya, nakatatlong tunog na ang phone niya for alarm but she just ignored it. The first time it alarmed ay medyo umupo pa siya kanina at pinatay ang alarm and the second and the third, wala na, tulog na tulog na talaga siya.
Huminga ako ng malalim at umiling, this is all because of the damn pillow. This is what I'm talking freaking about! Sa sobrang lambot ng unan na binili niya sa France ay mas napapasarap siya sa tulog so that means, she might ignore her classes!
Ito ang iniisip ko kaya iniwan ko ang unan na iyon sa kwarto ko sa Taguig, that won't help my academic life. Instead of burning my brows off to study more, I will surely opt to sleep with that heavenly and fluffy pillow.
I bit my bottom lip as I walk towards Zea's bed, bumaba ako ng kakaunti at hinawakan ang magkabilang balikat niya saka niyugyog ito. This is what she always does when I'm sleeping, now it's my turn to return the favor.
A guttural sound was released from her mouth, napangisi ako at pinagigi ang pagyugyog sa kanyang balikat.
"Stop it! Stop it!" She shrieked, medyo paos pa ang kanyang boses marahil galing ito sa tulog. Hinawakan pa niya ang aking kamay para hawiin.
I can almost see myself to her, ganito lagi ang ginagawa ko tuwing ginigising niya ako. So this what I usually look like, huh?
"Gising na!" sabi ko pa at hindi nagpatalo sa paghawi ng kanyang mga kamay.
For sure, if I won't wake her up she probably won't wake up. Ang alarm niya ay iniindian lang niya kanina pa!
"Zea, wake up! Malapit na mag alas diez, tulog ka pa rin!" hinihila ko na ang isa niyang kamay. I saw how she opened her eyes and released another groan.
"You're going to be late!" I shrieked and she answered me a groan. Halos mapasapo ako sa sarili kong noo, alas nuwebe y media ay natulog na 'to kaya hindi siya puyat at ang makasalanan niyang unan ang may kasalanan ng kanyang katamaran ngayon!
I forced myself to pull her completely, I succeeded pero muhka aamba siyang hihiga ulit kaya hinawakan ko na ang braso niya at pinisil ito para magising na siya ng tuluyan.
"Aray!" sigaw niya at hinawi ang kamay ko, mabuti nalang ay wala na dito sila Ate Rain at Ate Gelay because if they witnessed this. They will surely say we're becoming like them, being physical and whatnots.
"Tumayo ka na kasi!" asik ko at hinawi niya ulit ang kamay ko. Gulong gulo ang kanyang buhok at papikit-pikit pa ang kanyang mga mata, her morning glories are all saying Hi to me.
"Pupwede naman akong umabsent!" inis niyang sabi at kinamot pa ang kanyang buhok, huminga ako ng malalim at umayos ng tayo.
I massaged my nose bridge as I walk away from her. I think she's completely awake now. It will just depend on her if she'll go back to sleep or head off to bathroom to take a bath for her class.
Hinawakan ko ang aking suklay at umupo sa monobloc.
"Sayang, ibibigay ang course outline ngayon! Don't be such a lazy lad!" I said and continued combing my hair habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Teen FictionHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...