Chapter Four

1.2K 33 0
                                    

Chapter Four

Doesn't Sound Nice


Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking dalawang kamay, napatingin ako sa mga kama. Unang lumagapak ang mata ko sa aking kama, para itong nanghihikayat na bumalik ako doon. Umiling ako, I still have an exam today! Magaaral pa ako, irerefresh ko pa ang mga napagaralan ko kagabi.

Umikot ang mata ko sa kabilang mga kama, wala nang mga tao doon. Napabuntong hininga ako, pakiramdam ko tuloy ay gagaya ako kay Zea kahapon na magtatanrums. I placed my both hands on my cheeks. Hindi ako dapat tamarin! Dalawa pa ang exam ko ngayong araw kaya hindi dapat!

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha kaagad ang aking tuwalya. My eyes lingered on the pile of my clothes. I grabbed the simple white v-neck shirt and take the tattered jeans out on the hanger. Inilapag ko ang mga damit ko sa monobloc at pumunta na sa CR.

Agad kong isinuot ang inilabas kong damit kanina pagkatapos maligo, I grabbed my face towel at agad itong pinulupot sa aking buhok. Tumayo ako at bumalik sa aking cabinet, I opened the wooden box which contains my jewelries.

Agad kong nilabas mula sa box ang aking elephant necklace. I bit my lip when my fingers touched something, inilabas ko rin iyon at halos hindi ako makahinga nang makita ko kung ano ito.

Its Hermione's rotating hourglass necklace, this was Xavier's gift to me last Christmas. Biglang sumikip ang aking dibdib habang umiikot ikot pa ang kwintas, napapikit ako.

Hindi ko pa ito nasusuot kahit kailan, nawala rin ito sa isip ko sa mga nakaraang buwan. I nibbled my lips as I think whether I'm going to wear it or I'm going to put it back to my small box.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ng maayos ang kwintas. My thumb looked for its lock at iginaya ko ito agad sa aking leeg. I moved my thumb to lock it at hinayaang lumapat ng husto ang malamig na metal sa aking leeg.

Bumagsak ang mata ko rito. It's perfectly hanging on my chest. I promised to get rid of the things that remind me of Xavier but I realized, no matter how hard I run from the things, the memories or even from him, I just can't.

I licked my lips as I fix the pendant, nakaflat kasi ito at medyo inurong ko ang maliit na bakal gilid. Huminga ulit ako ng malalim, I closed my cabinet and put the lock back.

Wearing this won't hurt me or my pride.

Naalala ko tuloy ang heart pendant, umiling kaagad ako, No. That pendant symbolizes everything. It is too much if I'll put it back together with my elephant pendant.

I gulped and continued my things, may exam pa ako! Dapat ay hindi lumilipad ang utak ko sa ibang bagay!

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang makalabas ng lecture hall. Hinawi ko ang aking buhok at naglakad na papalayo mula dito. I fished for my phone on my pocket and brought it out. Nakita ko ang pangalan ni Ana at agad ko iniswipe ang screen para iunlock ito.


Ana:

Where are you?


Napataas ako ng kilay, Is this urgent or what? Emergency? Pero kung emergency man ito ay dapat tinawagan na niya ako!

Hindi ako mapakali at pinindot na ang call button, itinapat ko ang phone sa aking tainga. She answered the call within just seconds!

"Ana, what happened?" kabado kong tanong, narinig ko ang ingay sa kabilang linya. I licked my lips as I wait for her to speak.

"Huh? Bakit, anong meron?" aniya, napapikit ako at bumuga ng hangin. Akala ko ay meron nang masamang nangyari! Damn it!

How To ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon