Chapter Eleven
Saw
"Reg ka na?" Zea asked the moment I stepped my foot inside our dorm, I happily nodded my head.
Today is the official first day of the sem so it means registration week ngayon. Plano ko sana ay bukas nalang pero maaga ako nagising kaninang umaga kaya naligo na agad ako at pumila. Well, hindi naman masyadong mahaba ang pila dahil maaga ako.
"Buti ka pa, beh!" rinig kong sabi ni Ate Gelay.
Umupo ako sa monobloc at inilapag ang form 5 ko sa mesa, I looked for my mini envelope where I put all my form 5s. Sabi kasi nila Ate Gelay at Ate Rain ay iniipon nila ang kani-kanilang form 5. As in lahat lahat mula sa simula kaya nakigaya na rin ako.
"Mamayang hapon nalang ako," sabi ni Zea at umayos ulit ng higa sa kanyang kama. She's so lazy! Kung umulan lang ng pera sa labas kanina ay napagiwanan na siya!
"Anong oras pasok mo?" I asked as I glanced at the time on my phone. Mag aalas onse na pala!
Galing pagbabayad ng tution ay dumiretso na ako sa alas otso kong klase, Lab iyon kaya tatlong oras. Walang awa 'yung instructor at pinabili kaagad kami ng lab manual at kung anu-ano na ang pinagawa sa amin katulad nung Bio 101 ko noong midyear.
"Ala una pa," she lazily said. Iniksik pa niya lalo ang kanyang muhka sa unan niya. From here I could see how fluffy her pillow is, lubog na lubog ang kanyang ulo rito. Bago ito at nabili niya sa France, actually binilhan niya rin ako pero iniwan ko iyon sa bahay.
If I'm going to use it here ay mas pipiliin ko nalang matulog kaysa magaral! Seriously, sobrang lambot kasi, aakalain mong humihiga ka sa ulap! It will surely be my greatest distraction for this sem kung sakali man, katulad nalang na nangyayari kay Zea ngayon.
Siguro ay malelate ito sa buong sem dahil sa kanyang unan, I could almost imagine she could bargain good sleep rather than good grades.
"Bilisan mo, Ulan!" asik ni Ate Gelay habang nakatapat siya sa kanyang cabinet.
Napunta tuloy ang mata ko sa kanya, nakatapis lang siya ng kanyang puting tuwalya ang tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang basang basa na buhok. She just went out from the bathroom so that means kakapasok lang ni Ate Rain doon at sinabihan niya na bilisan neto.
Bigla siyang humarap at bumaling ang atensyon sa akin.
"Pumunta ka ba sa SU, beh?" She asked and I shook my head, hindi ko na kailangan pumunta doon kanina.
"Ay sayang, itatanong ko sana kung mahaba ang pila sa SLB," aniya.
SLB stands for Student Loan Board, the admin or the student affairs grant the students to load for a certain amount for their tuition fees. Noong una kong narinig ito ay namangha ako but when I saw the never ending line every registration week on SU building ay medyo nabawasan ang pagkamangha ko.
Nagkibit balikat nalang ako, I grabbed my phone and walked to my bed. Agad kong isinalampak ang aking katawan rito.
Humiga ako at binuksan ko ang aking phone para icheck kung may nagtext ba, there is, si Trinca.
Trinca A:
Nakapag reg ka na ba? Pwede bang sabay tayo?
My lips twitched after I read it, she's too late to ask me now! Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Novela JuvenilHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...