Chapter Fourteen

997 32 0
                                    

Chapter Fourteen

Change


"Kaia?" I heard my best friend called my name, agad akong tumingin sa kanya. Her eyes are seriously focused on her phone, why did she call my name?

"What?" I asked habang umaayos ng upo. I grabbed my phone and leaned on the wall, nagulat ako na mag aala sais y media na pala!

Masyado ata akong nawili sa pag tulog, kanina pa akong alas tres humiga rito. My classes for today ended at exactly 3 in the afternoon earlier. Walang pagaalanganing umuwi kaagad ako para makatulog. Second week palang pero ang hassle na kaagad, maybe because of my two major subjects. Sobrang dami ko nang gagawin do'n.

Tatlo nga sa subjects ko this sem ay puro GE pero may dalawang subjects naman ako for major, wala rin. Inayos ko ang buhok ko at tumingin kay Zea.

Her hair is now tied up compared earlier na sabog sabog pa ang kanyang buhok. Muhkang katulad ko ay bagong gising rin siya, nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang phone. I looked around to see if Ate Gelay and Ate Rain is here pero wala pa.

"Zea," I called her name pero ni hindi man lang siya tumingin sa akin.

"Wait lang, may kinakausap lang ako," sabi niya at napanguso nalang ako.

I licked my lips and suddenly felt the hunger inside my stomach. I unlock my phone dahil nagvibrate ito.

Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Roseburg, why is he calling?

I swiped the screen to answer it.

"Hello?" pagsagot ko.

"Where are you? I texted you for dinner..." napakagat ako ng pangibabang labi ko, he texted? But I haven't checked my inbox yet! Kakagising ko lang! Malay ko bang may text siya!

"Kakagising ko lang, Andrew." Inilawit ang paa ko sa kama. My bare feet touched the cold ground and I almost shivered on my own. Nakita kong napatingin sa akin si Zea, nakataas ang kanyang kilay. Pakiramdam ko ay lumaki rin ang kanyang tainga, sobrang lakas ng pandinig niya ha?

Binaggit ko lang ang pangalan ni Roseburg ay nakatingin na agad siya sa akin. She really has issues with Roseburg, kahit ako naman ay ganun din noong umpisa. His cold eyes scare the hell out ofme before but now it doesn't matter at all. Siguro kung anong nararamdaman ko dati ay ganun din ang nararamdaman ni Zea ngayon kay Roseburg plus his issues with Roseburg and Xavier's broken friendship.

Tumayo na ako ng tuluyan para makaalis sa kama ko, nakatingin pa rin sa akin si Zea pero hindi ko nalang ito pinansin at tinalikuran siya. I opened our room's door and close it immediately. Naglakad ako sa sink at dito inihilig ang aking balakang.

"Atsaka, kasama ko si Zea ngayon. Sabay kaming magdidinner..." dugtong ko, I could hear his heavy breathing. Nasaan ba ito ngayon?

Hindi napalad ang football team namin na makapasok sa Finals just like what happened last season, binigyan sila ng dalawang buwan na pahinga mula sa training at practices. Roseburg was too happy with that. Nabanggit niya kasi na grabe daw ang sets ng training nila. Maybe he's right or maybe he's wrong, dahil kakabalik palang niya sa football at intense training agad ang bungad kaya nasabi niya iyon. Pero sayang talaga na lagi nalang sila natatalo kung kailan papasok na sana sa Finals.

Narinig ko na naman ang malalalim na paghinga ni Roseburg. Now, why is he out of breath?

"Where the hell are you? What the hell are you doing?" sunod sunod ko pang tanong.

How To ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon