Chapter Twenty-Five

906 21 0
                                    

Chapter Twenty-Five

So Damn Much


Dumaan ang mga araw sa harap ko ng parang wala lang. Halos hindi ko naramdaman ang bakasyon dahil nasa bahay lamang ako. Kain, basa ng libro, internet at tulog ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay nasa selda ako.

I felt like a prison, pero malaya, malayang lumabas ngunit pilit na ikinukulong ang sarili sa apat na pader na ito.

I sulked inside my room, day and night. Lumalabas lang ako ng kwarto at bumaba kapag nakaramdam ako ng gutom, my parents are not around and so my Kuya, too. Si Daddy ay nasa opisina habang si Mommy naman ay pumuntang Bali, Indonesia with her friends, kasama si Tita Saab do'n. While my Kuya is busy with his businesses. Si Daddy lamang ang nakikita ko at tuwing gabi lang.

So Manang Inday managed to take care of me, I don't know if nagging is included on taking care of someone. Palagi niya akong pinapangaralan na lagi na daw akong late kumain ng tanghalian. Syempre, naglalaro sa alas diez at alas onse y media ang paggising ko kaya ganoon na oras din akong kumakain ng breakfast.

So my hunger for lunch is extended, laging pumapatak ito kapag alas tres na ng hapon. Mabuti nalang ay hindi ako sinusumbong ni Manang Inday kay Daddy, that's pretty awful if she will. Dahil malamang sa malamang ay papagalitan ako ni Daddy and worse, he might send me to his company and do some stuffs for him.

Nagawa na niya iyon sa akin dati pati na rin kay Kuya. That's why Kuya decided to start his own business para hindi na siya magambala pa ni Daddy. Ganoon din ang gagawin ko, I plan to have my own hospital someday para hindi maatasang imanage ang kumpanyang sinimulan ng Lolo pa ni Daddy. I'm sure Kuya Paulo will end up managing that one. The profession that I'm taking is far away from business world.

Hospital are not business, it should be made throughout by passion and care for others who needs help.

Kung sana ay nandito si Zea, wala sana akong problema! Or Xavier, at least....

Lumipad si Xavier kasama ang kanyang pamilya sa Singapore. They're going to spend Christmas there. Hindi lang ako sure kung pati ang new year ay isecelebrate nila doon. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot ng buhay ko!

Andrew Roseburg is having his vacation on Europe kasama ang kanyang ama at alam ko ay hahabol nalang si Tita Saab sa kanila.

Isang linggo akong nagtiis na ganoon ang buhay ko. Thankfully, Christmas came and Mom came back before Christmas. Dito na rin umuwi si Kuya sa bahay at hindi na sa kanyang condo simula noong umuwi si Mommy.

And somehow, my heart shouts for joy. Noong Christmas ay nag video call lamang kami ni Xavier pati si Zea. Natulog ako ng maaga pagkatapos magbigayan ng regalo. My Christmas was boring at hindi ko mawari kung bakit.

Mom tried to cheer the Christmas spirit on us after Christmas but she failed. Bumalik si Kuya sa kanyang condo noong 27 at sinabing babalik siya kapag new year na. My Mom and I really think he already has a girlfriend.

Isinama ako ni Mommy sa pagshoshopping at pamimili ng mga kailangang gamit sa New Year. Katulad dati ay magpapacater na lamang siya, few maids went home and even the two of ours drivers. Napagtanto ko na kaya pala ako sinama ni Mommy dahil ginawa lamang niya akong driver. I already have my license last July. Sasakyan na lamang ang hinihintay ko pero muhkang malabo pa iyon.

Dad never failed to shake his head whenever I bring up having my own car, sabi niya ay masyado pa daw akong bata. Maybe he got traumatized with Kuya before. It was Kuya Paulo's 18 birthday at niregaluhan siya ni Daddy ng kotse, just usual sedan. Wala pang isang linggo ay nabangga na niya ito, well thanks to insurance.

How To ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon