Chapter Six
First Step
"Magmimid year ako," rinig kong sabi ni Ate Rain. Ipinikit ko ang mata ko dahil nararamdaman ko pa rin ang antok pero alam kong gising na ako. Halos alas tres y media na ako natulog kanina! Gusto ko pa matulog! Mamaya pang ala una ang exam ko ngayong araw!
"Oh, agit na agit gumraduate, Ulan?" sagot naman ni Ate Gelay rito. Kinapa ko ang phone ko sa may bandang legs ko, I pushed it using my foot.
Agad kong kinuha ito at chineck kung anong oras na, It's still quarter to ten!
"Hindi 'no, I just feel like enrolling to midyear classes. Atsaka para less hassle next sem dahil sisimulan ko na Thesis ko, ikaw ba?"
Pikit ko ulit pinikit ang aking mga mata pero wala talaga, I'm all wide awake already. Kahit anong pilit ko pa ay hindi na ako makakabalik pa sa tulog. Umayos ako ng upo at inayos ang aking buhok. Nakita kong nakaupo si Ate Gelay sa isang monobloc habang pinaglalaruan ang kanyang g-tec sa kanyang kanang kamay habang si Ate Rain naman ay nakaupo sa kanyang kama.
Nakakainggit naman sila, they are now talking about their thesis dahil fifth year na nila next school year. Now I wonder what does it feels like graduating...
"Sabi ko nga sa'yo magbabakasyon kami sa Pampanga, bibisitahin namin 'yung mga magulang ni Mama. E kahit pilitin ko naman si Mama na gusto kong magmidyear ay hindi naman ako papayagan n'on! Ang tagal na rin kaya noong huling uwi namin do'n sa Pampanga..." inilawit ko ang aking paa sa sahig at tuluyan nang tumayo.
Nabaling ang mata sakin ni Ate Gelay, yumuko ako nang dumaan sa gitna nila. Dumiretso kaagad ako sa aking cabinet para kunin ang aking toothbrush.
"Sabagay, well I can live without you naman..." Ate Rain said at narinig ko ang paghulog ng ballpen sa sahig. Agad akong napatingin sa gawi ni Ate Gelay at nakayuko na siya para pulutin siguro ang g-tec na pinaglalaruan niya. Nahulog ang g-tec!
"P-utangina, Ulan! You said it like you already experienced it!" rinig kong alma ni Ate Gelay.
"Totoo naman!" Ate Rain answered. Sinarado ko ang aking cabinet pagkatapos lagyan ng toothpaste ang aking toothbrush. Lumabas ako ng kwarto ay dumiretso sa lababo pero rinig ko pa rin ang usapan nila Ate Rain at Ate Gelay. Zea is nowhere to be found, siguro ay lumabas iyon at nakipagkita sa mga friends niya.
"As if! Hindi ka kaya mabubuhay kung wala ako!" Ate Gelay said with a duh tone, na para bang siguradong-sigurado siya sa doon. They're best friends anyway. Alam na nila ang bawat sulok ng bituka ng isa't isa panigurado. They told us before na Kinder palang sila ay magbestfriends na sila. Kami ni Zea ay naging magbest friends lang noong nag Grade 1 kami.
And they have the same courses, same dorm, not the same characters though!
Malaki ang differences nilang dalawa, sa apat na sem na nakasama ko sila. I could perfectly categorize their differences. Binuksan ko ang gripo at itinapat ang aking toothbrush para basain ito. Sumalo rin ako ng kakaunting tubig at inilagay sa aking bibig, I spit it out after at nagsimula nang magtoothbrush.
"Touche! Pero kaya ko namang masurvive ang midyear nang wala ka!" sagot ni Ate Rain. Wala ba silang mga pasok or exams? Now this is new to me, dahil madalas ay maaga silang umaalis ng dorm at gabing gabi na umuuwi. Parang hindi ko nga sila nakakasalamuha araw araw e.
"Whatever, Ulan. Papasalabungan nalang kita, baka pumunta rin kasi kami ng Ilocos pauwi galing Pampanga," I heard Ate Gelay's voice. Inigihan ko ang pagtoothbrush, to take the unwanted things from my teeth.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Roman pour AdolescentsHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...