Chapter Nine
Met
Nagising ako sa vibrate ng phone ko sa may bandang legs ko. Who's in the right mind to call me at this hour? Teka, anong oras na ba?
Pilit kong dinilat ang aking mata, the lights were off so it means...
Umayos ako ng upo at kinakapa kapa ang phone kong patuloy pa ring nagbavibrate, I groaned when my hand reached it, gotcha.
Napangiwi ako nang itinapat ko na ang phone ko sa aking muhka, sobrang liwanag! Inilayo ko muna ang phone at saka kinusot ko ang aking mata para makapagadjust ito. Ramdam ko pa rin ang antok ko, anong oras na ba talaga?
My eyes instantly landed on the upper right corner to check the time, I did not mind that almost all of screen is now red because somebody's calling me. Alas otso na pala! Pero bakit patay pa ang ilaw dito? Ah, baka tulog pa si Ate Rain.
I swiped the screen to answer my best friend's call, ingay kaagad ang bumungad sa tainga ko. I groaned at sinapo ang aking noo. My class starts at 9 today, katulad kahapon. Zea knows my schedule kaya siguro ay tumawag na siya dahil akala niya ay gising na ako. She knows I usually prepare two hours before my class starts.
"Hello?" I said, halos hindi ko makilala ang aking boses dahil kakagaling ko lang sa tulog. I cleared my throat to bring back my natural voice.
"Hello?!" pasigaw namang sagot ni Zea, her voice is too loud and it's pitch is unbelievable. Pero kahit ganito siya ay namimiss ko pa rin ang bruha na ito, if only I tagged along with her and her family with their Europe trip. But of course my parents would not let me. Bakasyon iyon nila Zea at hindi naman ako parte ng pamilya nila.
"Zea, lower down your voice. Naririnig naman kita e atsaka kakagising ko lang."
Inilawit na ang paa ko sa kama para makaalis na rito. It's already 8 o'clock that means I need to prepare already. Masyado lang ata akong nasarapan ng tulog at hindi narinig ang alarm ko.
Lumapit ako sa switch ng ilaw at pinindot ang isa at ang isa ay iniwan kong nakapatay, baka kasi magising si Ate Rain. I'm okay with one light, malakas naman ang ilaw neto.
"Ow, sorry sorry! Akala ko kasi ay gising ka na, teka baka malate ka na!" sunod sunod niyang sabi, I opened our room's door at dumiretso sa lababo para maghilamos ng muhka.
"Calm down, Z. Alas otso palang teka maghihilamos muna ako," sabi ko at ibinaba ang phone ko sa gilid. Agad kong binuksan ang gripo at sumalo ng tubig para ihilamos sa aking muhka. I wiped my wet hand on my shirt at kinuha ang aking phone.
"Zea," tawag ko. I heard a muffled sound before my best friend speaks.
"Kaia, mamaya na tayo magusap! Maligo ka muna! I'll just call you later, okay?" aniya at pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad pabalik ng room namin para kunin na ang towel ko at makaligo na.
I grabbed the face towel at agad pinulupot sa aking basang basa na buhok. I stood up at binuksan ang aking cabinet. My one hand is holding the towel and my hair in it so I used my free hand to open my accessories box and searched for my usual necklace.
Napakagat ako ng labi nang maramdaman kong nasagi ng aking mga daliri ang isang pendant ng kwintas, the rotating hourglass. Bigla tuloy may paglalaban sa isip ko kung susuotin ko ba ito o hindi, I sighed heavily as I continue to search for my elephant necklace. Inilabas ko ito at inilapag saka pinasok ko ulit ang aking kamay sa box para kunin ang rotating hourglass.
Kinuha ko ang elephant necklace ko at isinarado ang aking cabinet. Bumalik ako sa aking kinauupuan kanina. I let go holding the face towel at inilapag muna ito sa mesa para maisuot ko ang aking mga kwintas. Una kong sinuot ang elephant at sunod ang rotating hourglass.
BINABASA MO ANG
How To Forget
Novela JuvenilHow #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang paglimot ba ay kailangan pang matutunan? Kailangan pa ba itong pagaralan? Hindi ba pwedeng makalimot...