Kabanata 1

645 3 0
                                    

Lamahista 

Kabanata Isa

Sa isang perpektong mundo, masigla at masaya ang Lunes ko.

Pero sino ba ang may sabi na perpekto ang mundo?

Kaya’t heto, hakot hakot ang mga libro at hila hila ang pares ng aking mga paa, dinako ko ang unang silid ng una kong klase.

“Presh!”

Marahil nga ay may isang nilalang na nakatira sa perpektong mundo at masigla’t masayang hinaharap ang Lunes niya.

Nasa bungad ako ng silid, nahihiyang nakangiti habang nagmamasid at naghahagilap ng libreng mauupuan.

“Dito.” Kinumpas niya ang kanyang hintuturo sa bakanteng upuan na kasunod niya sa gawing dulo ng silid.

Nginitian ko siya at humakbang palapit sa bakanteng upuan na itinuro niya sa akin.

“Salamat, Aries.” Iniyuko ko ang aking ulo sa harap niya habang nakatingin sa sahig, tanda ng aking pasasalamat.

“Ano ba yan, Presh. Alam mo namang ikaw lang ang gusto kong katabi kaya nireserba ko talaga yan para sayo baby girl.” Siniko niya ako ng bahagya atsaka kinindatan.

Siya si Aries Tuazon. Ang nilalang na tinutukoy kong nakatira sa perpektong mundo.

Masayahin, masigla, malaya, kontento, at palangiti. ‘Yang mga yan lang naman ang depenisyon ko ng perpektong buhay.

“Sa mga susunod pang minutong nakatitig ka sakin, Presh. Sigurado akong in-love ka na ng sobra.” Pumorma ang isang arogante at mapusok na ngiti sa kanyang labi.

Namumula sa hiya dulot ng pagkakahuli, nag-iwas ako ng tingin atsaka humarap sa unahan kung nasaan ang Professor. Ang taong dapat ay tinitignan at binubuhusan ko ng atensyon.

Isa akong estudyante ng Political Science. Nasa huling taon at nalalapit na ang inaasam kong pagtatapos. Nais kong maging isang mahusay na abugado at isa ito sa mga hakbang patungo roon.

Alam ko, hindi ko maipapahiya ang sarili ko sa mga gradong masasaksihan mo sa records ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko ng maramdamang may tumatabig sa aking kaliwang dibdib. Nabubunggo nito ang kanan kong dibdib, dala na rin ng magkadikit halos nilang pagitan.

Si Aries. Seryoso at inosente siyang nakatuon sa ginagawa, nagsusulat ng mga notes galing sa pisara. Hindi ko lang alam kung seryoso din siya sa isa pa niyang ginagawa, ang pagsiko-siko sa gilid ng dibdib ko.

Hindi ko malaman kung sinasadya ba niya ito o baka nasasasagi lang talaga habang nagsusulat siya dahil na rin sa maliit na espasyo sa pagitan ng aming mga silya.

Ayokong haluan ng maruming kongklusyon ang halos araw araw na ginagawa ni Aries sa akin, sa mga dibdib ko. Isa siyang kaibigan. Kaibigang nasasandalan at naaasahan. At sa tingin ko, siya rin ang kaibigang pinagtutuunan ko ng natatanging pakiramdam at espesyal na pagtingin.

 ___________________________________

“Presh!” Sigaw ni Monica, isang kaibigan. “Here.” Itinuro niya ang table na kulay pink sa loob ng Cafeteria ng pag-aari ng grupo niya.

Si Monica Richards, kaklase ko nung elementary at kaibigan simula pa noon. Siya ang pinaka-sikat at pinaka-magandang babae sa Campus namin. Cheer Leader, mabait, matalino, sexy, at mayaman. Yun marahil ang  mga dahilan kung bakit di maawat sa paglobo ang kanyang mga kaibigan. Nagpapasalamat na lamang ako ng lubos dahil hindi niya ko nakakalimutan sa kabila ng lahat.

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon