Lamahista
Kabanata Lima
“Pakibigay na lang ha, Prehiela.” Bilin sa akin ni Monica. “Wag mong kalimutang i-ref agad pag-uwi mo para pagdating niya, masarapan siya. Yun kasi ang gusto niya.”
Iniabot niya sa akin ang isang clear container na may hugis puso na mini cake sa loob, tatlo iyon. Siya raw ang may bake nito. At ipinapabigay niya kay Aries mamayang gabi. Nabanggit ko kasi na sabay kaming magre-review.
Paano niya nalamang malamig na cake at mocha flavor ang gusto ni Aries? Kumirot ang puso ko duon.
“Uhm.. Presh, can I ask you another favor again?” Tumango naman ako habang inilalagay ang container sa likod ng kotse ko.
“Pwede bang.. pag hindi alam ni Aries yung sagot sa exam niyo, pakopyahin mo siya?” Napalingon ako bigla sa tinuran niya. “Kahit pasimple lang, ayoko kasing.. mahirapan siya ng husto sa exam. Matalino ka naman Presh, kaya sige na please. Bestfriend?”
“O-oo naman, Monica.”
Tulad ni Monica, kaklase ko rin simula elementary si Aries. Tinuturing naming tunay na kaibigan ang isa’t isa. Ewan ko lang si Monica kay Aries.
Hindi man niya sinasabi ay lagi naman niyang ginagawa ang mga bagay na ganito kay Aries. Noong una ay iniisip ko na sadyang mabait lang talaga si Monica kaya niya binibigyan ng cake, crema de fruta, special leche flan, ube halaya, at kung minsan ay gumagawa rin siya ng reviewer para kay Aries. Pero napansin kong kay Aries niya lang ginagawa yun. Maganda si Monica at maraming lalaki ang baliw na baliw at umaaligid sa kanya. Gwapo, mayaman, mabait, makapangyarihan, lahat ng klase ng manliligaw, meron siya. Pero sa kabila ng lahat ng yun, si Aries lamang pinupunan niya ng atensyon.
Ngunit hindi ko maaaring sabihan ng kung anu-ano o sisihin si Monica. Dahil maging ako, higit din sa kaibigan ang pagtingin ko kay Aries. But I won’t let her know that.
Perpekto ang tingin ko kay Aries para sa isang katuwang. Makwela, tapat, maaasahan, hindi nang-iiwan, napaka-malalahanin, at napaka-buti. Bonus na lamang na sadyang pinagkalooban siya ng magandang mukha. But I won’t let him know that. For the sake of Monica, and our treasured friendship.
“Sabihin mo rin na pinapasabi kong goodluck sa exam niya.” Dagdag pa niya.
“Makakarating. Ikaw din goodluck… sa exam.” Tinanggap ko naman ang pangatlo niyang pabor.
“Salamat, bestfriend. Ikaw din, goodluck!” Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko atsaka nagpaalam.
ALAS-SIYETE NA GABI ng makarating ako sa condo. Nag-withdraw pa kasi ako ng pera atsaka bumili ng pagkain na iluluto dahil inalok ko si Aries na sa unit ko na mag-hapunan.
Kinuha ko ang susi na nakalagay sa purse at ipinasok iyon sa butas ng knob. Laking gulat ko ng hindi iyon nag-click. Ang ibig sabihin, bukas ito at hindi naka-lock.
Nagtatakang pumasok ako ng bahay ko. Sigurado ako. Sigurado akong nai-lock koi yon kanina bago ako umalis. Hindi ako iyong tipong makakalimutin, maliban na lamang kung may bumabagabag sa aking isip.
At bigla kong naalala ang lalaki sa Spa. Oo nga, may bumabagabag nga sa aking isipan.
Inilapag ko ang mga pinamili ko sa countertop at pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo. Kailangan kong tugunan ang sarili kong pangangailangan, ang umiihi.
“Ahhhhhh!” Tinakpan ko ng mabilis ang mata ko. Sa gulat ay mapasigaw talaga ako.
Si Aries. Nakatingin siya sa kisame at nakatapon ang ulo ng patalikod. Sa tingin ko ay nakahawak siya sa ari niya at… umiihi? Nakatalikod kasi siya sa gawi ko.