Kabanata 8

388 5 0
                                    

Lamahista

Kabanata Walo

Tumigil kami sa isang lugar na hindi nalalayo sa katahimikan ng Spa na pinagtatrabahuhan niya.

Napakatahimik ng paligid, madilim at wala akong nakikitang kahit na sino. Ang paligid ay napupuno ng mga lumang bahay at gusali na tila hindi na tinitirhan. Kung magiging director ako ng isang nakakatakot na pelikula, ito ang kukunin kong lugar.

Napakasukal. Tila ilang taon ng hindi nabibisita ng kahit sinoman. Walang poste ng ilaw at huni lang ng mga paniki ang iyong maririnig.

"Come on."

Pinagbuksan na pala niya ako ng kotse. Nakatayo siya sa gilid ko at nakalahad ang isang kamay upang umalalay.

"Where are we?" Tanong ko habang bumababa ng sasakyan. Hindi ko kinuha ang kamay niya dahil hindi ko kakayanin ang kuryenteng idudulot niyon sa akin.

"My place." Simpleng sagot niya.

Habang naglalakad palayo ay nakita ko ang kotseng sinakyan ko kanina. It's a muscle car. A mighty Dodge Challenger SRT8. And, it's his?

"Is that your car?"

"Yeah. Gwapo noh?" Itinaas baba niya pa ang kilay niya at ngumisi ng napakayabang.

How can someone own a car like that and live in a place like this?

"Duck in." He says.

"What?"

Bumuntong-hininga siya. "Are you with me? Yumuko ka. Papasok tayo diyan."

Itinuro niya ang isang tarpaulin. Noong iniangat niya ito ay saka ko napagtanto na pinto pala iyon. Isang maliit na pinto. Kung hindi ka magiging mapanuri, hindi mo iisiping pinto ito.

Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng pintong ito. O kung anong mangyayari sa akin sa oras na ihakbang ko ang mga paa ko at sumama sa kanya sa loob. Hindi ko rin ba alam sa sarili ko kung bakit sumama pa ko dito.

"Hey." Siguro ay napansin niyang nagda-dalawang isip ako. "Baby, don't be scared. Freddie Krueger isn't living here."

But you are living here. And that is way more scaring than Freddie.

"Here." Ibinalot niya sa akin ang kanyang leather jacket at maya-maya pa ay bumukas ang pinto. May nagbukas nuon galing sa loob.

"Oh. Hi there, lover boy." Isang babaeng balingkinitan at naka-pink na lingerie lang at itim na stockings ang bumungad sa amin. Madilim ang paligid ngunit kitang kita pa rin ang kumikinang niyang red lipstick at blush-on na kakulay ng kanyang under-garment.

Ang ngiti niya ay hindi angkop para sabihing 'friendly'. It is more like, 'slu*ty'. Oh, God. I'm so sorry.

Lumapit siya kay.. sa lalaking ito na katabi ko at hinawakan ang dibdib nito. Dude muna ang pangalan niya sa utak ko.

Wala sa mukha ng babae na to' ang binabahay at sineseryoso. Kung anoman ang relasyon nila ni Dude, hindi ko alam. Pero sigurado akong hindi iyon intimate, casual siguro, pwede pa. Hindi ako umimik o gumawa ng anumang reaksyon. Pumasok na lang ako sa loob at iniwan sila sa labas. Sa itsura nung babae, handing handa na siyang dalhin iyon sa next level. At sa inasta niya sa harap ko, mukhang kaya niya ring gawin yun sa kalsada. At ayokong makita yun ng harap-harapan.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng makarating ako sa liwanag. Mas maliwanag kung ikukumpara sa labas. May iba't ibang kulay ng ilaw ang narito na halos katulad na rin ng sa bar. Napakalaki ng lugar na tila isang Arena. Ang daming tao. Samu't saring mga tao. Nang titigan kong mabuti ang mga ito isa-isa, lalo akong nagulat.

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon