Lamahista
Kabanata Labing Dalawa
Nakatingin lang sa akin si Monica. At alam ko mismo kung ano ang gusting gusto niyang tanungin. “Spill it.” Sabi ko.
Ngumiti siya at tumakbo papunta sa akin. “So, where did you two meet?”
Uh-oh. “Si Eros?” Tanong ko. “Hindi importante.”
“Anong hindi?” Angal niya. “Boyfriend mo siya, Preshiela.” At tinusok tusok niya pa ang tagiliran ko.
“Monica, hindi nga.” Tanggi ko. “Hindi kami ganun. At hindi siya ang gusto kong maging ganun.”
Uh-oh. “Eh… sino pala?” Tanong ni Monica. At mas nilapit niya pa ang mganda niyang mukha sa akin.
Uhm. Si Aries? Alam kong namula ako dahil duon kaya tumaas pa lalo ang kilay ni Monica at naghihintay ng sagot.
“W-wala. Ano ka ba, Monica. Alam mo namang wala pa sa isip ko yan.” Pagsisinungaling ko. Lumayo si Monica at sumeryoso ang mukha niya. Nagbuntong-hininga siya at tinitigan ako ng maiigi. Binabasa niya ko. Binabasa ako ng taong kilala ako simula pa noong pitong taon ako.
“Alam ko kung sino, Preshiela.” Malumanay niyang sabit. Nanlaki ang mga mata ko dahil duon. Ganun ba ko kadali basahin? “Alam ko kung sino ang mahal mo. Gusto ko lang sabihin sa’yo, hindi pwede. Hindi siya pwede.”
Wala akong nasagot duon. Yumuko ako upang itago ang kahihiyan sa pisngi ko. Dapat ko bang itanggi? “Naiintidihan mo ba iyon, Preshiela? Kaibigan kita, kilalang kilala na kita. At alam kong hindi mo ko kayang saktan.” Tumayo siya at nagtungo sa pinto. “Tara na. Hinihintay na tayo nila Bianca, magpa-party pa tayo!” Sambit niya sa isang masiglang boses.
Tiningala ko siya at nginitian niya ko. Galit ba siya sa akin? Oo, dapat siyang magalit sa akin. Lalo na kung gagawa ako ng hakbang para makuha ang kaisa-isang lalaking nais ko. Tama. Mas importante ag pagkakaibigan. Kakalimutan ko na lang. Tama.
NAKATANAW SA BINTANANG nagpapakita ng ganda ng takip-silim, inalala ko ang lahat ng bagay na nagaganap sa buhay ko sa kasalukuyan.
Nakakatawa.
Nakakatawang isipin na sa pamilya namin, may malaking butas na sa kabila ng salaping meron kami ay hirap na hirap kaming takpan. Sa kabila ng sakripisyo ay hindi maibigay sa amin ng Maykapal na makasama namin si Kuya Ely.
Matagal na ring sawi si Mama at si Papa sa aspetong ito ng buhay nila. At ako, siguro ay nasanay na rin ng naghihintay na lang. Naghihintay kay Kuya. Naghihintay ng buong atensiyon galling sa sariling pamilya.
Hindi ako nagrereklamo. Hindi na. Sa sarili niyang paraan, naipaparamdam sa akin ni Eros na walang kulang. Walang kulang kung kukumbinsihin ko ang sarili ko na wala nga talagang kulang. Make-believe kumbaga. At nakakatawa, na sa kanya na ni hindi ko kilala, eh nahanap ko ang kapayapaan na bihirang mahagilap.
Hindi naman siya mahirap pagkatiwalaan. Wala siyang ginagawang bagay na makakasira sa sarili niyang pagkatao. Maliban na lang, siyempre, sa trabaho niya bilang Masahista. Trabaho lang yon, may mga taong marumi ang ginagawa ngunit malinis ang motibo. Yun marahil ang mali sa ating mga tao. Gawa tayo ng gawa ng mga katagang tulad ng, ‘Don’t judge a book by it’s cover’ pero kabaligtaran nito ang ginagawa natin.
Sa mas malawak pa na pagtatanaw sa buhay, ano nga ba ang meron sa pagitan namin ni Eros?
Hindi ko ito iniisip noon dahil hindi ko rin alam ang sagot. Oo, masyado siyang malayo sa uswal na lalaki, ngunit hindi higit kay Aries. Kay Aries. Marahil nga ay si Aries ang dahil kung bakit hindi ko siya makita ng higit pa sa isang kasiping sa kama.