Lamahista
Kabanata Sampu
Graduation Day has come. At ilang hakbang na lang ang kailangan kong tahakin para maging isang ganap na abugado.
I was our batch’s Summa Cum Laude. Nagpapasalamat ako at naging maganda ang resulta ng final exams ko kahit wala ako sa focus nung mga panahong tine-take ko iyon. At wala ng mas sasaya pa dun. Maliban na lang kung nandito ang mga magulang ko. Unfortunately, si Tito Ramon ang kasama ko. One of Papa’s most trusted men. Siya ang lagging proxy ni Papa sa mga sitwasyong ganito ng buhay ko.
“You ready, Ms. Que?” Tanong ni Tito Ramon at inilahad ang kamay niya sakin upang alalayan ako pababa ng kotse.
“I am, Tito.” Sabi ko at iniabot sa kanya ang kamay ko. “And please, just call me Preshiela.”
Ngumiti lamang ito at nag-umpisa na kaming maglakad papasok ng Graduation Hall.
Nakasuot ako ng toga at ito ang pinaka-paborito ko sa lahat ng damit na naisuot ko. I am very happy. Mas masaya siguro ito kung nandito si Kuya. Siguradong isa siya sa mga matutuwa sa nagawa ko. Malamang ay pumapalakpak siya at binibigyan ako ng regalo. O di kaya naman ay aasarin ako sa paraang sweet at nakakatuwa.
Nagsimula ang ceremony at nakikita ko si Aries na sumusulyap sulyap sa akin. Hindi pa kami nagkaka-usap simula nung umagang nagpang-abot sila ni Eros sa condo ko. Si Monica naman, well, she’s Monica. Napakaganda at napaka-Diyosa niyang tignan sa togang suot niya. She looks so calm and elegant, like she always is. Katulad ni Aries, hindi pa rin kami nagkaka-usap ni Monica simula nung inamin niya sa akin ang naging relasyon nila ni Aries. Hangga’t maari ay iniiwasan ko siya at ang mga texts at tawag niya. Hindi ko pa rin lubos maisip na may nangyaring ganoon. Kung titignan kasi, mukhang wala namang pakialam si Aries kay Monica. O baka sinanay na niya ang sarili niyang ganun dahil nasaktan siya.
“And now, words from our batch’s Summa Cum Laude. Miss Preshiela Louise Alfonso-Que!”
Yun na ang hudyat na kailangan ko ng magbigay ng sentimyento sa mga kapwa kong estuudyante. Lahat ay nagpapalakpakan. Nakita sila Bianca, Aureen, Leila, at Alyssa na nakangiti at binigyan ako ng flying kiss. Nginitian ko sila pabalik at kinawayan.
“Good Evening and congratulations fellow graduates.” Simula ko. “It’s been tough living through hell of college. Lucky are those who have a friend to lighten them up and to somehow, guide them.” Tumingin ako kay Monica na masusi ring nakatingin sa akin. “And I’m lucky I have mine.”
“Hindi lahat, heaven. (Shit, why did I mention heaven? Now, Eros is playfully roaming around my head.) There’s a lot of sacrifices and problems that there are moments we thought we couldn’t take it anymore. Like what I’ve said, it’s hell. Right?”
I pause, and base on their heads nodding. They all agreed. College is hell.
“So I’m giving you, all of us, a little advice or might I say words of wisdom.” Sabi ko. “Do not wait. Wag tayong makuntento na naghihintay lang. People who are willing to wait no matter how long it will take are pathetic. We are all smart and clever, you don’t just get to waste your time and wait for things to happen. You gotta’ get moving and moving till’ you get there. Waiting will never be an option for smart people. Victory will never chase you, you have to work for it. That’s the reality coz’ there’s no such thing as luck, only intelligence.”
Nagpalakpakan sila at ang iba ay tumayo pa. “So, let’s not wait. Let’s move and make things happen.”
Nagkatinginan kami ni Monica sa mata and I caught her mouthed, “Congratulations, I love you.”