Kabanata 11

293 3 0
                                    

Lamahista

Kabanata Labing Isa

"Good Morning." Masiglang bati ni Eros habang inaayos sa isang gilid ang buhok ko. "Aalis na ko."

Naging letrang U na pabaligtad ang labi ko sa tinuran niya. "San ka naman pupunta?"

Nagkibit-balikat lamang siya at tumayo na. Marahil ay hindi niya rin alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. "Stay." Mahina kong sabi. Hindi ko alam kung saan yun naggaling ngunit hindi ko rin naman gustong makita ng mga taong naka-hapit na sweatpants si Eros at bakat na bakat ang lumilipad niyang asset.

At hindi ko namalayang nakatitig pala ako duon. At unti-unti iyong lumalapit. "Last time I check, hindi diyan nakalagay ang mga mata ko." Sabi niya at tumingala ako. Minsan pa ay namangha ako sa bawat anggulo ng kanyang mukha at amoy ng hininga niya.

"Kumpara naman sa mata mo.." Sabi ko at hinila ang sweatpants namahigpit na nakakapit sa kanyang balakang. ".. mas gusto kong tignan to'."

Ibinababa ko iyon kasabay ng desisyon kong manirahan sa iisang bahay kasama si Eros.

__________________________________

"Holy macaroni! Preshiela girlie! Why didn't you make kwento that you have a boyfriend na!" Sigaw ni Alyssa sa gilid ko habang pinagmamasdan naming nililinis ni Eros ang sasakyan niyang si Jill. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Bianca at hinihintay ang iba pa naming kasama. Ngayon ang araw ng out of town namin at isinama ko si Eros.

"I don't have." Sabi ko. "He's not my boyfriend."

"Are you kidding me?" Biglang sabi ng isang tinig, si Monica na kakadating lang at sa likod niya ay paparating ang isang pamilyar na kotse. "May boyfriend ka na Preshiela?"

Umiling ako at niyakap siya. "Well, good then." Sabi ni Bianca at naglalaro sa labi niya ang isang ngiting pang-madrasta.

"Let's go na!" Yaya ni Aureen. "Kompleto na tayo, nandiyan na si Aries."

Kusang lumingon ang ulo ko sa direksyon ni Aries. Kusa ring kumabog ang dibdib ko sa kagwapuhang taglya niya lalo na sa araw na ito. Nakasuot siya ng damit na nagsasabing wala-na-kong-ibang-damit-na-masuot-pero-okay-lang-gwapo-naman-ako.

"Preshiela." Bati niya sa akin at nginitian ko naman siya.

Sumakay na ko sa mini cooper ko at sinenyasan si Eros na aalis na. Ngunit hindi na yata kailangan dahil nasa harap na niya si Bianca at kinakausap siya. Nag-thumbs up lang siya sa akin at pumasok na rin ng sasakyan niya. Hindi pa ko handa sa sex in the car na ino-offer ni Eros kaya pinili kong maghiwalay na lang kami ng sasakyan.

Kumunot ang noo ko ng hindi ko mag-start ang kotse ko. Ilang beses ko ng ini-start ngunit paulit ulit din itong namamatay. Marahil at nabatid ni Aries na may problema dahil hindi umaadar ang kotse ko sa harap niya. Kinatok niya ang bintana ko at ibinaba ko iyon. "Baby girl, may problema ba?"

"Ha? Aahh-ano.." Bigla akong nautal dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Sa simpleng bagay lamang na iyon, napatunayan kong hindi lang talaga isang normal na lalaki si Aries para sakin.

"Hindi mag-start?" Tanong niya at tumango ako. "Umalis na sila Bianca, nauna na. Sakin ka na sabay."

Ha? Give up kagad? Hindi ba pwedeng itulak mo muna tapos try natin kung gagana? Nilingon ko ang kotseng gamit niya. Iyon ang regalo ni Monica. Tinanggap niya pala.

"Hindi naman yata kasya ang mga gamit ko dun, Aries." Sabi ko. At kabilang parte ng kalsada ay nakita kong nandun pa rin ang kotse ni Eros. Hindi pa din pala siya umaalis. Ano pa ng ginagawa nito dito?

"Kasya yan." At sinimulan na niyang ilipat ang mga gamit ko sa kotse niya. At hindi ko alam kung anong himala ang gagawin niya upang magkasya ang mga iyon sa likod.

Nang matapos ilipat ni Eros ang mga gamit ko saka naman bumaba ng kotse niya si Eros. "Tapos na?" Tanong niya at tumango naman ako. "Bakit nandito yan?" Tanong naman ni Aries na naka-game face na naman.

"Ah. Ano, Aries, Si Eros nga pala." Awkward kong pakilala. "At Eros, Si Aries."

Ngunit pareho silang hindi kumibo at nag-abot ng kamay. 

"Tara na, Preshiela." Inabot ni Eros ang kamay ko at hinigit ako sa tabi niya.

"Teka, sa akin siya sasabay." Pigil naman ni Aries sa isa kong kamay. "Sa. Akin." Sagot naman ni Eros at hinigt ng malakas ang kamay ko. Nawala ang balanse ko at napaupo ako sa sahig.

"Preshiela!" Sigaw nilang dalawa. "Pvtangina naman kasi pare!" Bulyaw ni Aries. "Sa akin na nga eh, ako na nauna!" Sinuntok siya ni Eros sa panga at gumanti naman din siya. Dahila para mabitawan niya ko't sa pangalawang pagkakatao at sa magmasakait na paraan, mabagsak na naman ako sa semento.

"Punyeta!" Sigaw ko pagkatayo. "Magco-commute na lang ako mga hinayupak kayo."

Sa gulat dahil sa mga binitawan kong salit, nanahimik silang dalawa.

A/N: Tell me this is lame.... Oh, God it is. Haha! Sorry late update! Thankyou for waiting. Hindi ko na ihihiwalay yung mga BS ni Preshiela sa mga susunod na chapters. :)

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon